Chapter 17: Periodically Moments [Part 1]

457 19 3
                                    

Megumi's POV

Kanina pa ako nanunuod ng mga Japanese movies dito sa bahay. Nakakatamad kasi wala akong ganong magawa. Karamihan kasi ngayon busy sa pag rereview dahil malapit na ang exams. Tawagan ko kaya si Pauleen? Tapos na siguro siya mag-review. Pwede ko siguro siyang yayain manuod ng movie sa mall? Si Miko kaya? 

Napatigil ako nang biglang tumunog yung phone ko. May tumatawag? Ayy, malamang. Hahaha!


"Hello?"

"..."

"Sino 'to?"

"..."


"Kung ayaw mo magpakilala ibaba ko na 'to-"

"Saglit lang Megumi!"

"Miko?!"

"Ahh, sige bye!"


Tapos naputol na uyung tawag niya. Tatawag tawag tapos hindi magsasalita? Tapos ako pa yung bababaan? Ayos ah! Akala ko pa naman may makakasama na ako. Ano kaya magandang gawin? Hmmm, masarap siguro manuod ng horror movies mag-isa? 

*********

[Next day]

"Megumi napag-aralan mo na ba yung additional infos na binigay ni Ms. Reila para sa exam natin sa biotechnology? Teka anong nangyari diyan sa mga mata mo? Umiyak ka ba kagabi?" tanong ni Pauleen sakin.

"Ahh! Hindi ako umiyak kagabi... Ano... Napuyat lang ako! Additional infos? Siyempre naman ako pa?" sagot ko sa kaniya.

"Ahh, sige. Mauna na ako ha? Dadaan pa kasi ako sa faculty para ipasa 'tong ilang documents na kailangan ni Ms. Reila. Kita na lang tayo after ng exam ha?" paalam ni Pauleen saken.

Pero, ano ba yung sinasabi niyang additional infos? I'm dead.

"Ahhh, Pauleen? May kopya ka ba nung additional infos na yun? Babasahin ko lang ulit. Hehe." pagsisinungaling ko sa kaniya.

Kasi naman bakit nakakatakot pa yung pinanuod ko kagabi. Ayan tuloy hindi ako makapasok sa kwarto ko ng mag isa. Feeling ko may kasama akong multo.  

"Eto oh. Mamaya mo na lang ibalik saken ha?" pagkasabi niya nun umalis niya siya. 

Sinimulan ko ng bashain yung binigay niya. Damn it. Ang hirap nga intindihin nito. Bakit kasi hindi ko nalaman na may additional infos pala na binigay? I'm so stupid. Amazingly stupid.


*********

Third Person's POV

Magsisimula na ang exams kaya naman nagmamadali ng umakyat sa kaniyang classroom si Megumi. Hindi niya napansin ang oras dahil sa pagkatutok sa kaniyang binabasa. Hindi niya pa rin kasi maintindihan yung mga additional infos na binigay ni Ms. Reila para sa biotechnology.

Bago magsimula ang exams nila ay nagkaroon ng konting discussion ang kanilang adviser tungkol sa kukuhanin nilang pagsusulit. Hindi naman ito pinapakinggan ni Megumi dahil naalala niya pa rin ang horror movie na pinnuod niya nung gabing iyon.

"Ms. Megumi Hanazono, are you with me?" tanong sa kaniya ng kaniyang guro.

"Uhh, yes ma'am."

"Oh really? Then please repeat what I discussed in this class a few minutes ago."

"Uhmm, about the exam? Some rules?" sagot ni Megumi.

"Are you sure?" 

"About the periodic Megumi." bulong ng kaklase ni Megumi upang hindi ito mapagalitan.

"It's about the periodic ma'am." sagot ni Megumi.

"Put a suffix in the word periodic." sambit ng guro nito.

"Uhmmm, periodically?" panghuhula ni Megumi na naging dahilan upang mabilis na magtawanan ang buong klase.

"Ms. Megumi Hanazono, Periodic is correct and periodical is redundant, But PERIODICALLY IS MORE REDUNDANT! IS YOU USING YOUR BRAIN?" sigaw nito kay Megumi.

"Ma'am it should be ARE you using your brain not IS you using your brain." pagwawasto ni Miko sa kanilang guro.

"Whatever! Next time make sure to listen to me, ok?"

"Yes ma'am."


*************

(a/n): Short update? MeKo moments muna tayo. HAHAHHA! :)

My Fantasy Crush (Anime based- COMPLETED)Where stories live. Discover now