Chapter 5: Competition (Part 2)

1.1K 66 21
                                    

Pauleen's POV

Naalimpungatan ako nung may naramdaman akong matigas na bagay na tumama sakin.

"PAULEEN VAUGHN NERPY WALA KA BANG BALAK PUMASOK?!" bulyaw sakin ni mommy.

Napatingin naman ako sa orasan at nakita kong male-late na nga ako. Pinilit kong bilisan yuung kilos ko pero pagod na pagod pa talaga ako. Kulang na kulang yung tulog ko.

"Mommy, aalis na po ako bye," paalam ko kay mommy sabay takbo palabas.

Binilisan ko yung takbo ko para hindi ako mahuli.

8:50 na ng umaga, 10 minutes na lang magsisimula na yung contest.

"Ouch!"

Hindi ko napansin na meron pa lang bato sa dadaanan ko. Yan tuloy nadapa ako. Nakita ko yung tuhod ko na nagdudugo pero tumakbo pa rin ako. Ang nasa isip ko na lang ay makarating sa Dreams Campus bago mag-9.

**************************************

Megumi's POV

"Megumi nakita mo ba si Pauleen?" tanong sakin ni Jake-kun.

"Hindi eh, bakit Jake-kun?"

"May contest kasi kaming sasalihan ngayon, 5 minuts na lang magsisimula na yung contest sa auditorium pero wala pa rin siya," sabi ni Jake-kun.

Pagkasabi ni Jake-kun nun tumakbo kaagad ako para hanapin si Pauleen-chan. Nasaan na ba yun?

Pumunta ako sa main gate at nakita ko si Pauleen-chan na tumatakbo. Mukhang pagod na pagod na siya. Napansin ko yung dumudugo niyang tuhod.

"Pauleen-chan ok ka lang ba?! Anong nangyari sa tuhod mo?!"

"Basta! Saan ba yung auditorium? Late na ko!"

Dahil mapilit si Pauleen-chan wala akong magawa kung hindi dalhin siya sa auditorium kahit alam  kong masakit na yung tuhod niya. Siguro naman may first aid kit dun.

Pagdating namin sa auditorium nakita ko yung mga sensei namin na nag-aalala.

"Pauleen saan ka ba nanggaling?" tanong ni Mr. Hayate kay Pauleen-chan. "Anong nangyare sa tuhod mo?! Halika lagyan muna natin yan ng gamot."

Tapos ako na ang nag-apply ng first aid kita kay Pauleen-chan. Grabe talaga determination niya no?

************************************************

Pauleen's POV

Papunta na kami sa stage para sa quiz bee or competition. Medyo maayos na rin yung tuhod ko kasi nilagyan na ni Megumi ng first aid kit.

"Good morning everyone, welcome to the annual competition about knowledge in animes. To our dear competitors, good luck!"

Pagkasabi nung host kinabahan na ko. Sana hindi ako pumalya dito.

Yung mechanics pala ay inabot samin kanina bago magsimula. Mgtutulungan pala kami ni Jake para makasagot sa level 1 at 2. Sa level 3 and 4 naman kailangan namin pumili ng isa na lalaban. Dun naman ako kinabahan.

"In Detective Conan, who is the real identity of Conan?"

Alam ko yun! Pagkasabi nung first question na-excite ako kasi tungkol sa Detective Conan yung tanong. Pagtingin ko sa papel nasulat na pala ni Jake yung sagot. Ang sagot namin ay 'Shinichi Kudo'.

My Fantasy Crush (Anime based- COMPLETED)Where stories live. Discover now