Chapter 19: Figurines

470 19 6
                                    

Hikari's POV

Kakatapos lang ngayong araw yung contest namin. Makakabalik na ulit kami sa dreams. Kumusta na kaya si Megumi? Ang tagal ko ng hindi nakikita yung reflection ko. Hahaha!

"Hikari!"

Napalingon ako dun sa tumawag.

"Kristine! Waaah! Mami-miss kita." sugod ko sa kaniya sabay yakap.

Siya si Kristine Lee. Palagi namin siyang nakakasama dito sa contest.

Pagkaalis namin ay naalala ko naman si Megumi. Ano naman kaya ginagawa ng babaeng yun?

Dumaan muna ako sa opisina  ng sponsor para sa contest na sinalihan namin. May mga files kasi akong kailangan para sa documentation nito.

Namangha ako kaagad pagpasok dito sa loob ng opisina niya. God! Ang daming collections ng anime figurines,  posters, magazines at iba pang mga bagay. Pwede kaya akong makahingi? Hihihi.

"Ang cool naman ng mga gamit..." sabi ko habang tinitingnan yung mga figurines.

Habang tumitingin ako, may isang figurine ang nakatawag-pansin sa akin.

That figurine...

Bakit parang familiar siya saken? Parang bang nakita ko na siya somewhere.

"Saan ko nga ba-"

"Ms. Hanazono? Uh, I'm sorry for being late. Ang dami ko kasing appointments ngayon. By the way, ano nga ulit kailangan mo?"

"Mr. Hibari kailangan ko po nung documentation ng contest." sagot ko sa kaniya.

"Oh, I see. Pwede ka bang maghintay dito saglit hija? Ipapahanap ko lang sa secretary ko."

"Sige po." sagot ko sa kaniya.

Pagkaalis niya ay kaagad kong sinulyapang muli yung figurine. Anong meron sa'yo? Bakit sobrang familiar mo saken?

"Ms. Hanazono I know that that figurine is different from the others. That is so special to me. That figurine has a sentimental value to me... By the way, I already have the files that you need.''

"Uhhh, thank you sir."

Pagkatapos nun ay sumunod na ako sa airport. Hindi maalis sa utak ko kung sini ba yung kamukha nung figurine na yun. Sigurado akong nakita ko na siya...

Parang kamukha siya ni...

"Aominecchi! Tama! Bakit ba hindi ko kaagad naisip yun?"

"Uhh, ayos ka lang ba Hikari? Kasi kanina ka pa tulala tapos parang kinakausap mo sarili mo." sabi saken ni Jake.

Nagpoker-face lang ako sa kaniya. Mukha ba talaga akong timang kanina? Sobra naman yata yun.

-----

Pagkatapos ng ilang oras, nakarating na kami sa Dreams Academy. Pagbaba ko ng kotse, kulang na lang siguro halikan ko yung lupa sa sobrang pagka-miss ko dito. May mga bagay kaya na nagbago nung umalis ako dito? Ano kayang ginawa nila Megumi?

"Hikari! Welcome back! na-miss ka namin," salubong sa amin nila Sakura.

"Kumusta kayo nung umalis kami? Kumusta si Megumi?" tanong ko kaagad sa kanila pero nag-iba yung hitsura nila.

"Uhh, una na ko Hikari! Ang dami ko pa palang gagawin, Hehe! Sayonara!" sabi ni Sakura tsaka tumakbo papaalis. Ano bang meron? Bakit ganun yung reaksyon niya?

Nilibot ko yung buong school para malaman kung ano ba talaga nangyai. Habang naglalakad ako naramdaman ko na na iba yung tingin sa kin ng mga stidents ng Dreams. May narinig pa nga akong mga rumours.

'Ano kayang mararamdaman niya kapag nalaman niya? Nakakahiya naman yung ginawa niya.'

'Oo nga eh. Ang tanga tanga niya.'

'Akala ko pa naman role model siya. Mas tanga pa pala siyay saten'

Ilan lang yan sa mga narinig ko. Yung totoo? Nanalo kaya kami sa contest. Problema ng mga 'to. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa rooftop. Na-miss ko din 'to/ Dito kasi sobrang peaceful kapag tiningnan mo ang mundo. Para bang walang problema. Masaya lang, walang away away. Yung kapag inamoy mo yung hangin para kang bumalik sa pagkabata, yung inosente at wala pang alam sa buhay.

Nahiga muna ako sa may aisle sa may rooftop para makapagpahinga. Gusto ko muna matulog dito. Pero maya-maya lang ay may narinig na akong umiiyak. Teka umiiyak?

"Pano na 'to? Huhuhu! Di ko na alam gagawin ko... Magpakamatay na lang kaya-"

Kaagad naman akong napasigaw para pigilan kung sino man yun. Ano namang problema niya para magpakamatay? Ganun ba kalaki yun? Pero teka, bakit parang familiar yung boses nung babaeng umiiyak?

"WAG!"

"Megumi/Hikari?''

Nagulat ako nung malaman kong si Megumi pala yung umiiyak dito sa rooftop. Ang masaklap binalak niya pa na magpakamatay. Ano na lang kaya nangyare sa kaniya kung wala ko hindi ba?

************

Kinausap ko ng masinsinan si Megumi kung bakit niya binalak gawin yun. Kung ano ba nangyare sa kaniya nung mga panahong umalis kami. Nalaman ko na hindi pala siya pumasa sa exams. Lahat binagsak niya kaya kahit sa mga normal na section dito sa Dreams, hindi na siya pwedeng tanggapin pa. Wala na siyang ibang pwedeng gawin kung di mag drop-out. Isa pa sa mga pinoproblema niya ay yung eskuwelahang lilipatan niya. Sa lahat ng eskuwelahan na ililipat siya ni mama, sa Hakuou pa. Ibig sabihin lang nito, makakasama niya sina Kumiko at iba pa. Naaawa ako para sa kaniya. Pero hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Mahirap kasi suwayin sina mama at papa, Lahat ng gusto nila kailangang palaging masusunod. Hindi pwedeng hindi. May magagawa pa kaya ako para tulungan yung kapatid ko? O kaya...

"Megumi! Para sa'yo oh! Figurine yan ni Usui, di ba crush mo yun? Smile ka na dali!" masaya kong sabi sa kaniya.

Napangiti ko naman kaagad siya. Pero ana tumagal pa yung ngiti niya... Sana walang masamang mangyare sa kaniya sa Hakuou. 

*************

 Dedicated kay Chehan 24 <3 Hi Chehannnn~~ ^_^

My Fantasy Crush (Anime based- COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ