Lumisan

66 1 0
                                    


Mahigit dalawang taong pagtingin

Palagi ay nasa isip-isip

Pati sa pagtulog ikaw ang panaginip

Ikaw na ba, loob ng Diyos sa akin?


Sadyang malupit ang tadhana natin

Ika'y lumapit bilang kaibigan

Sinabi sa buhay mga kagustuhan

Ngunit bakit, ikaw pala ay lilisan?


Ngayong ikaw ay nasa malayo na

Balita'y nasa piling na ng iba

Puso'y nadurog ng iniwang sinta

Di man lang nawika lihim na nadarama


Ngayong pangungulila'y nararanasan

Sa pag-ibig na noon pa natagpuan

Subalit di man lamang matitikman

Marahil sa langit na lang maisasakatuparan.


Midnight thoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon