Sa likod ng bakal

3 0 0
                                    

Lahat ng tao may kwento

Yun nga lang di makuntento

Kung anong meron di sapat

Kailanman, lahat na lang patpat


Yung ibang mabubuti

Mas mahirap pa sa kabute

Pipiliing maging masama

May maipakain lang sa kasama


Wag mong husgahan

Ganyan ka rin naman

Ayaw mo man sa kasamaan

Yun lang ang tanging paraan


Yung mga kabaliwan

Minsan hindi yun wala lang

Laging may ibig sabihin

Baka hindi lang maamin


Ang mga taong tahimik

Yung madalas walang imik

Sila yung may maiingay na utak

Pansinin, bago ka pa masaksak.


Kung minsan sanang pinakinggan

Baka sakaling iba ang kinahantungan

Hindi lahat ng nahatulan

Masasabi mong may katarungan.

Midnight thoughtsWhere stories live. Discover now