Bahag-hari

3 0 0
                                    

Sa bawat bagyo, may nawawasak

Sisirain gaano pa ito kalawak

Ngunit sa pagtila ng ulan

Lalabas ang bahag-haring lulan


Nagsimula man sa kadiliman

Nawala man lahat ng kahilingan

Naglaho ang mga pinaghandaan

Maibabalik pa rin ang kasiyahan


Hindi man tulad ng nakaraan

Pinipilit man baguhin ang nakasanayan

Sinasabing para ito sa kabutihan

Para sa kinabukasang nais hagkan


Pagbabago'y likas na sa mundo

Ngayo'y mas dapat unawain ito

Kapit bisig hanggang sa dulo

Ang laban ay hindi ihihinto.

Midnight thoughtsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora