Homecoming

16 0 0
                                    

Ang sarap balikan

Mga alaala ng nakaraan

Mga pahina ng kahapon

Muli sanang mahagkan


Mga ngiting lumipas

Mga sayang tila lumagpas

Muli sanang pumagaspas

Sa kasalukuyang naaagnas


Saan nga ba ang ganap

Puro na lang ba pagpapanggap

Sa huli'y ano na nga ba?

Ang hirap talagang umasa


Ilang 'patawad' pa ang tatanggapin

Ilang 'hindi pwede' pa ang pakikinggan

Ilang beses mo pang iseseen

Bago mo pansinin


Ayokong isiping nagkalimutan na

Baka nga parte lamang ng pagtanda

Sana'y marinig muli ang mga halakhak

Bunga ng mga kalokohang tumatak


Nauubos ang mga araw

Hanggang taon na ang nagdaan

Hindi mo namamalayan

Ito na pala ang katapusan.

Midnight thoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon