Huli na

22 1 0
                                    

May mga taong darating

ngunit hindi mananatili

Mga taong mamahalin

Ngunit ika'y lolokohin


Ang mundo madalas mapagbiro

Masaya ka na mawawala pa sa'yo

Ayos naman kayo, ngunit maglalaho

Sa huli ikaw pala'y nilalaro.


Sa pag-ibig mahirap manalo

kung tataya ka, dun na sa sigurado

Problema, hindi lahat ng ginoo

masasabi mong totoo.


Masaya, mahirap, masakit

Kadalasan, iyan ang ikot

Ang relasyon hindi one stop shot

Mangyayari ng paulit-ulit.


Sa pagdilim ng kalangitan

muli ka na namang luluha

Titingin sa kalawakan

Habang sa isip ay 'ito ay huli na'.

Midnight thoughtsजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें