Untitled

142 3 0
                                    

Ang mundo sadyang baliktad ...

Makikita ka lamang kung kalian ...

umalis ka na.

Pakikinggan ka lamang kung kalian ...

wala ka na.

Hahanapin ka lamang kung kalian ...

hindi ka na mahagilap.

At tutulungan ka lang kung kalian ...

patay ka na.

Sa mundo kung saan ang

mali ay siyang tama

At ang tama ang sadyang

mali, saan ka nga ba lulugar?

Saan ka nga ba pupunta?

Ang sabi nila pagkatapos ng

lahat ng paghihirap may sarap.

Kung may tiyaga may nilaga.

Pagkatapos ng unos may liwanag.

Ngunit kung ikaw ay sadyang nabubuhay

Sa kadiliman. Kung ang lahat ay

puro paghihirap na lamang ...

kakapit ka pa ba? Lalaban ka pa ba?

Midnight thoughtsWhere stories live. Discover now