Puting gusali

4 0 0
                                    

Mga bulong sa hangin

Walang pumapansin

Mukhang ayos lang

Iba na palang nilalang


Mga gabing maiingay

Sa loob ng isipan, nalulumbay

Para sa kanila'y wala

Hindi ka lang nila kilala


Paulit-ulit na mga salita

Hindi mawala sa iyong gunita

Walang mali sa iyo

Pagkatao mo lama'y nagulo


Sabi nila kapag iniwan

Ikaw ay babalikan

Ngunit hindi lahat ng lumisan

Tanda, daan tungo sa pinanggalingan


Ang ilang mga sinukuan

Mga walang patutunguhan

Sa mata ng ilan, mga kinalimutan

Naghahanap pa rin ng paroroonan.

Midnight thoughtsWhere stories live. Discover now