Usad

3 0 0
                                    

Minsan mapapaisip ka na lang

Saan ka nga ba nagkamali?

Ano nga ba ang kulang?

Hindi pa ba sapat?


Pipiliting bumangon sa araw-araw

Nanaising tumayo sa hinaharap

Kahit ayaw mo na.

Kahit hindi mo na kaya.


Maling nagawa sa nakaraan

Hindi na mababago pa

Mga dilim ng kahapon

Ikukulong ka na lang.


Paano nga ba umusad?

Gusto mo ng lumayo

Para kalimutan ang lahat

Muling magsimula sa umpisa.


Nawa'y sa pagsikat ng araw

Limot ko ng lahat

At sa muling pagkikita

Ako'y buo na.

Midnight thoughtsWhere stories live. Discover now