Paos

33 0 0
                                    

Di ko maintindihan

Itong nararamdaman

Di makatingin

Sana nama'y pansinin


Mayroon pa bang makikinig

Sa taong tila ba walang tinig?

Sumigaw man sa malayo

Sadyang walang hahayo


Kahit ba ika'y nasasaktan

Sa kanila'y walang aasahan

Tila ba sa lahat ng bagay

Ika'y walang paglalagyan


Mga maling desisyong nagawa

Wala ng magagawa

Kahit pa magmakaawa

Sila'y hinid maawa


Sana naman may marating

Ang awiting walang ningning

Sa kislap ng bituing nagniningning

Sa langit man ay didinggin din.

Midnight thoughtsWhere stories live. Discover now