Ano ... paano ... bakit?

3 0 0
                                    

Paano ka nga ba magsisimula?

Makakabalik pa ba sa umpisa?

Pag-iisip mong nagwawala

Masasagip pa ba?


Alam mong mali

Bakit ito pa rin ang pinili?

Ninais mong maging masaya

Ngunit hindi mo nagawa


Mga bagay na iyong sinisigaw

Ngayong wala ka na'y umaalingawngaw

Ngayon ka lang nila nakikita

Kung kailan wala ka na


Ano nga ba ang dahilan?

Bakit mo ba winakasan?

Mga naipong katanungan

Hindi mo na masasagutan.

Midnight thoughtsOnde histórias criam vida. Descubra agora