Iyak

49 0 0
                                    


Bawat patak ng luha'y may pahiwatig

Mga sigaw na ninanais iparinig

Hinagpis na nais mapadama

Kalian mo mararamdaman?


Kung hindi mo pakikinggan

Kailan mo maiintindihan?

Lahat ng bagay ay may dahilan

Iyong isipan sana'y buksan


Wag ng hintaying maglaho

Mga baga'y na akala'y di lalayo

Lahat ng tao ay nagbabago

Mga relasyong di na nabubuo


Sa muling pag-iyak, sana'y huli na

Nakaraang ayaw ng balikan pa

Maramdaman sanang muli

Yakap mong pipiliin hanggang sa huli.

Midnight thoughtsWhere stories live. Discover now