Jarren

2 0 0
                                    


Ang mga tulang naisulat

Ang mga awiting inawit

Sa iyo lahat inalay

Wala man lang kamalay malay


Nahulog ang aking loob

Sa mga oras na ika'y kasama

Minahal kita iyon ang tama

Saglit lang at ito ay nawala


Isang aksidente tayo nagsimula

Isang aksidente tayo'y nagkita

Akala ko'y wala nang lamat

Doon din pala matatapos ang lahat.


Minahal kita iyon ang totoo

Ngunit di ko matanggap

Hindi rin ako mapagpanggap

Dahil sa iyo pangarap ko'y nawala


Hindi ko alam kung kakayanin ko pa

Masakit kasi ng sobra sobra

Ang taong mahal ko

Dahilan kung bakit nawala ang buhay ko.


Ayoko ng magalit pa

Bakit kasi ikaw pa?

Mahal kita, alam mo iyan

Kung pwede lang . . .


Mahal kita sobra . . . ngunit

Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba?

Midnight thoughtsWhere stories live. Discover now