Damdamin ng unang pag-ibig

3 0 0
                                    

Sa mga asul mong mata ay namangha

Sa kanya ay berde puno ng salita

Dito nagsimula magandang panula

Natapos sa isang awiting padama


Unang kabanata sa may kagubatan

Lahat ay may ngiti't nagkakasiyahan

Kung ang simula'y wala ng katapusan

Hindi sana humantong sa kadiliman


Sa buhay ang desisyon ay pinipili

Sa huli lagi itong may kapalit

Galit sa isa, lungkot sa isa'y pasakit

Mga puso'y napuno ng hinanakit


Sabi ang unang pag-ibig ay masaya

Kabataan nati'y minsa'y lumigaya

Alaala na lang mga biloy mo't gayak

Pagmamahal mong lumayong nakayapak


Mga sugat na naghilom ay nagmamarka

Resulta'y isang malungkot na musika

Minsang pagkakaibigang humigit pa

Marahil ay naitadhana sa iba.

Note:

I think this will be my last entry for this book. Sana po nagustahan nyo hindi po ako professional writer kaya alam ko maraming mga technical error and mga typo error. Pasensya na po but still if nakaabot kayo dito sa dulo salamat pa din. Thank you for appreciating poetries :) Promote na rin ako may isa pa akong poetry collection entilted ODE, you can check out my profile/works for that. Thank you again :)

Midnight thoughtsWhere stories live. Discover now