Lipas

30 1 0
                                    


A los dos ng umaga

Saan nga ba ang punta?

Balikan ang mga gunita

Mga ala-alang limot na.


Mga alitang walang dahilan

pagbabating nauuwi sa iyakan

Kahit na walang patutunguhan

Iba pa rin ang ating kabataan.


Ang oras ay walang halaga

masulit lamang ang bawat gala

Kahit ba iyan ay diyan lang

Panalo pa rin ating mga kuha.


Tanda pa ba mga awitin

tayo lang ang nakaalam?

Saksi ang sahig ng silid-aralan

Sa kantahan nating trip lang.


Kahit hirap sa mga proyekto

Gagawa ng paraan para manalo

gagawing pang grupo

ang pang isang tao.


Mahirap na kung mahirap

kailangan lang magsumikap

tatawa, iiyak para sa pangarap

Hanggang sa makarating sa alapaap.


Saan na nga ba sila napunta?

May kanya kanya ng karera

Panapanahong lumipas na

May nakakaalala pa ba?

Midnight thoughtsWhere stories live. Discover now