Tara!

3 0 0
                                    

Mga bagay na di kapansin pansin

Nais kong tuklasin

Tumalon sa bangin

At lumipad kasabay ng hangin


Minsa'y maglakbay

Kasama ang ilang lakay

Sa dagat o lupa ma'y isakay

Kasabay ang mga ngiti't kaway


Ipalaganap ang pag-asa't saya

Sa bawat taong nakakasalamuha

Aralin ang bawat kultura

At ibahagi sa iba


Pangarap na nais abutin

Tila ba kasing tayog ng bituin

Sa pagdilim ng aking paningin

Nawa'y matupad din.

Midnight thoughtsWhere stories live. Discover now