Sa muli

18 1 0
                                    

Isang tula para sa kaibigang tunay

Maaga man nawala, siyang magpatnubay

Sa aming alaala ika'y mabubuhay

Hanggang sa muli nating hayahay


Mga kwentuhan at lokohang pandamagan

Siyang mananatili sa aming mga alaala

Mga biruan nating inaabot ng kinabukasan

Nawa'y madala mo sa iyong paroroonan


Kami man ay nagtatampo sa iyong paglisan

Pilit naman bubuksan ang aming isipan

Paglipas ng taon amin ring maiintindihan

Naganap na ito sa ating barkadahan.


Kung nasaan ka man kaibigan

Pakasaya ka ng lubusan

Alam kong kami'y iyong babantayan

Wala rin sanang kalimutan


Hindi ka man matanaw sa malayo

Alam kong hindi ka lalayo

Darating ang panahon, muling magtatagpo

Sadyang nauna ka lang sumuko


Sa bawat katapusan, may dapat simulan

Wala ka man na, aming dyosa

Magpapatuloy kami sa laban

Hanggang sa muling pagkikita, kaibigan.

Midnight thoughtsWhere stories live. Discover now