Sana

22 1 0
                                    

Marahil ay nagtataka ba't ganyan

Sarili'y tignan para sa rason

Bago mo man lang sana husgahan

Alamin mo muna ang dahilan


Pinatawad naman na kita

Sana nama'y iyong alagaan

Mga bagay na di mo pinandigan

Ngayon mo sana pahalagahan


Ayoko nang magalit pa

Pipiliting ikaw ay maintindihan

Pero ako ba, kelan mo mapagbibigyan?

Parang hindi na nga.


Mga bagay na iyong tinakbuhan

Mga taong iyong tinanggihan

Sana'y pagdating ng panahon

Ay hindi mo pagsisihan.


Midnight thoughtsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora