Isa pa, that trip's for the brokenhearted. Hindi ako makaka-relate sa kanilang dalawa.

"No," I said.

Napa-tingin kaming dalawa kay Gracey na nagmakeface. Minsan parang bata talaga...

"Ano'ng problema nun?" natatawang tanong ni Iñigo.

"Pinipilit na magpost tayo ng picture sa facebook. Napapagod na raw siyang maging tanungan kung single ka."

Iñigo laughed. "Tayo laging problema ni Gracey. Sabihin mo nga kay Chester bigyan ng problema," he said and then kissed the top of my head again. "Basta housemates tayo. Bahala na sila sa iisipin nila."

Tumingin siya sa 'kin.

"Speaking of housemates... Ayaw mo pa bang lumipat ng apartment? Tumaas na 'yung sweldo ko. Lipat na tayo sa mas malaki?" he asked.

"Bakit tayo lilipat?"

"Wala lang... Baka gusto mo lang sa mas magandang lugar."

"No, it's fine."

"Sure ka? Kasi nagta-trabaho akong mabuti para mabigay ko lahat ng gusto mo."

"I know."

"And? May gusto ka ba?"

I was about to tell him that I didn't want anything else nang mapa-tingin kami sa isa't-isa dahil narinig namin iyong pangalan ni Katherine at Kier. They were discussing about the wedding that's happening right now.

"Ikaw, hindi ka ba aattend sa kasal talaga?"

Iñigo said na hindi na sila nag-uusap ni Katherine, but he still received an invitation. But he said na pag-iisipan pa niya kung pupunta siya dahil alam niya na kapag pumunta siya roon ay makikita niya iyong mga ka-frat niya na matagal niya ng tinataguan.

"Hindi," Iñigo replied. "Pero nandun naman si Deanne."

I shrugged. Ano'ng magagawa ko kung ayaw niya?

Iñigo's arm snaked around my waist, pulling me closer. I felt him kiss the side of my head.

"Papaalam lang ako tapos uwi na tayo," bulong niya sa 'kin.

"Mukhang 'di pa kayo tapos magcelebrate. Mauna na lang ako," I offered.

I understand office politics. Okay lang naman sa akin na magstay si Iñigo. Kahit naman ako minsan napapa-stay ng matagal sa office kapag may mga ganito. Umiinom din ako minsan kasi kailangan, but Iñigo always picks me up after 2 hours. That's my limit.

"No, uwi na tayo," he said, kissing my cheek again before going to his colleagues para magpaalam.

Habang pauwi kami ay narinig namin ni Iñigo na binabalita sa radyo iyong tungkol sa kasal ni Katherine. It seemed like Jax was right in leaving the country dahil kalat na kalat sa balita iyong kasal. It's starting to feel like a national concern, this Ramirez-Arellano wedding.

"I really thought she'd marry Jax," I said.

"Ako rin," Iñigo replied. "Nung nasa law school pa kami, lagi 'yung sumisilip sa classroom niyo."

"I know," I said dahil nakikita ko si Katherine dati na parang tangang pabalik-balik sa harap ng classroom namin para sumulyap kay Jax.

"Pero baka masaya naman siya ngayon. Pinakasalan, e."

I shrugged. Whatever may happen, I hoped she made the right call.

* * *

People say that time flies when you're having fun.

Control The Game (COMPLETED)Where stories live. Discover now