SDTR: Kabanata 23

Start from the beginning
                                    

Tumingala ako sa spiral na hagdanan nila Jenica bago ako tuluyang umakyat, tatlong palapag ang bahay nila at nasa ikalawang palapag ang kwarto niya. Kumatok ako sa pinto ng kwarto at narinig ko ang hiyaw ni Jenica mula sa loob na pumasok daw ako.

Halos mapaawang ang bibig niya nang makita ako at hindi ko maintindihan kung bakit bigla siyang nag iwas ng tingin saakin. Ibinaling niya ang mga mata niya sa laptop. "A-anong ginagawa mo dito?" Nauutal na tanong niya nang hindi ako nililingon, naglakad ako palapit sa kama niya at halos mapasinghap ako dahil sa hampas ng lamig ng aircon sa katawan ko.

Umupo ako sa gilid ng kama niya at nakita kong nag-fe-facebook siya. "Dinadalaw kita, kailangan ko kasi ng kausap." Diretsong sagot ko sakanya, narinig ko ang malalim na paghinga niya, tumitig lang ako doon sa facebook niya na ngayon ay nag-scroll down sa newsfeed.

"Hindi ka kasi nagpapakita saakin." Patuloy ko, "Busy ako sa trabaho." Matabang na sagot niya saakin.

Hindi ko alam kung bakit siya nagsisinungaling saakin, pero sa ginagawa niya nasasaktan ako. Si Jenica ang pinakamalapit saakin na pinsan ko at hindi ako sanay na ganito siya magsalita saakin. Maliban nalang kung galit siya saakin o may itinatago.

"Sabi ni Kuya Justine dalawang araw ka nang nagkukulong dito." Sagot ko sakanya, muli kong narinig ang paghugot niya ng malalim na paghinga bago niya tuluyang isinara ang laptop niya. Humarap siya saakin at naihilamos niya ang dalawang palad niya sa mukha niya.

Tinitigan niya ako ng buong buo na para bang may gusto siyang sabihin saakin, nanginginig ang dalawang mata niya at mukhang babagsak na ang luha doon.

"Claire," Nabasag ang boses niya sa pagtawag saakin.

Magsasalita na sana ako pero marahan niyang hinawakan ang kamay ko at pinisil iyon, "I'm sorry. Nagsinungaling ako sayo." Bulong niya.

Kumunot ang noo ko, "Jenica?" Biglang tumulo ang luha niya pero mabilis niyang pinunasan iyon nang hindi inaalis ang matapang na titig saakin ng bilugan niyang mata.

"Hindi ko kayo gustong paghiwalayin ni Ethan, pero kailangan. Dahil dito. Alam mo na diba? Alam mo na ang tungkol kay Briana." Umiiyak na bulong niya, nanginig ang ang binti ko nang marinig ko mula sa bibig niya ang tungkol kay Briana, kahit kailan hindi pa ako nagkukwento sakanya. Nanlamig ang kamay ko at may parang kung anong nakabara sa lalamunan ko ngayon.

"P-paano?"

"Claire makinig ka saakin, pinsan mo ako at mahal na mahal kita. Ayokong dumating yung oras na ikaw ang maging kawawa." Namamaos ang boses niya, "Jenica, h'wag mo akong paikutin. Anong nalalaman mo?" Halos isigaw ko na iyon ng pabulong sakanya, namamasa na ang mata ko pero napipigilan ko na iyon ngayon na bumagsak.

Mas lalong lumuha ang mga mata ni Jenica, binitawan niya ang kamay ko at tinakpan niya ang mukha niya. Ngayon ko lang napansin na parang katulad ko pagod na pagod na rin siya sa pag iyak.

"Alam kong darating yung oras na 'to, kaya ganun nalang ang galit ko sayo nang malaman ko mula kay Jerome ang lahat." Paliwanag niya.

"Gusto ko si Ethan para sayo, pero hindi sang ayon ang tadhana kaya bandang huli inayawan ko na rin siya sayo. Nagsinungaling ako na tutulungan ko kayong magkabalikan kapag tama na ang lahat, pero hinding hindi ko gagawin iyon Claire." Humahagulgol na sabi niya, tuluyan nang bumagsak ang luha ko at yung puso ko ang bilis bilis ng tibok.

"Jenica!" Sigaw ko sakanya, umiling iling siya at tinitigan ako ng lumuluhang mata niya.

"Pinsan ni Jerome si Briana, at alam niya ang lahat ng tungkol kay Ethan. Maging ang pag ganti ni Ethan sa Daddy mo." Parang huminto sa pagtibok ang puso ko dahil sa sinabi niya, may kung anong tumutusok sa kalamnan ko at sobrang pagkirot ang hinahatid non saakin.

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Where stories live. Discover now