Chapter 32

902 11 1
                                    


Alice’s POV.

Nasa ilalim ako ng punong acacia, kung saan kami nagkikita ni Rafael noon. Hinihintay kong dumating si Rafael para kausapin siya ulit.
Mabilis lumipas ang panahon dahil ilang araw na lang ay ikakasal na ko. Ramdam ko ang excitement sa kaloob-looban ko  dahil sa wakas ay may makakasama na ‘ko.

“Alice”

Mabilis kong nilingon ang lalaking tumawag sa pangalan ko. Ang lalaking minsan ng naging dahilan kung bakit ako nasira ngunit naging dahilan din para makita at makilala ko ang lalaking nagpasaya’t bumuo sa’kin.

Rafael”, tawag ko sa pangalan niya.

Tinapik ko ang aking tabi para umupo siya dun at ganun nga ang ginawa niya. Tahimik ang lugar at tanging huni ng mga ibon ang maririnig. Ilang minuto kaming tahimik bago ako nag-umpisang magsalita.

“Raf”

“Hmmm?”

“Lagi ka bang pumupunta dito simula nung dumating ka?”, tanong ko sa kanya habang hindi pa rin siya nililingon.

“Yeah, pumupunta ako dito tuwing wala akong ginagawa.”, tumango ako.

Kung sa bagay, nakakarelax nga naman ang lugar na ‘to. Makikita kasi dito ang ganda ng buong eskuwelahan ng Saint Ellaine. Tahimik dito kaya malaya kang makapag-isip isip at matulog kung gugustuhin mo. Medyo lumalakas ang hangin kaya tumindi ang paglagaslas ng mga dahon sa paligid.

“Hindi nakakapagtakang nandito ka lagi. Ang ganda naman kasi dito.”, wala sa sariling saad ko.

“Yeah, napakaganda nga.”, I turned to look at him but I was shocked when I met his gaze.

Umiwas kaagad ako dahil doon. Hindi ako manhid para hindi malaman ang nararamdaman niya para sa’kin. Alam kong hanggang ngayon ay umaasa pa rin siyang magbabago ang isip ko.

“It will always be beautiful because it always reminds me of you.”, mapait akong ngumit sa sarili.

“Raf, pumunta ako dito para ibigay ‘to sa’yo.”, kinuha ko ang kamay niya at nilagay dito ang isang maliit na box.

Unti-unti niya itong binuksan at ganun na lang ang gulat niya nang makita doon ang singsing na binigay niya sa’kin dati.

“I think hindi ako ang dapat na bigyan mo niyan.”
Bahagya siyang tumango at pilit na ngumiti. Alam kong mahirap pero sana naman bigyan niya ng pagkakataon ang sarili niyang tanggapin ang lahat. “Hindi akin ‘yan, Raf.  Sa tingin ko, dapat ibigay mo ‘yan sa babaeng handa kang mahalin… at… at alam naman nating hindi ako yun di ba?”, matagal siyang tumitig sa’kin na para bang gusto niyang bawiin ko ang  aking mga sinabi.

“Siguro, mahirap ang tanggapin ang lahat at napakaimposible para sa’kin ang kalimutan ang nangyari sa’tin noon pero kung yun ang ikakasaya mo then gagawin ko.”, sabi pa niya. “I will accept everything kung ‘yan ang gusto mo.”

Ngumiti ako sa kanya. Inaakala kong  tatanggihan niya ako at hindi siya papayag sa alok ko at sa gusto kong mangyari pero ganun nalang ang tuwa ko nang malamang pumapayag siya. Hindi lang naman ‘to para sa ikabubuti ko kundi para na rin sa aming dalawa.

Thanks, Raf.”, saad ko sa kanya.

“But promise me, magiging masaya ka sa piling niya, na hindi ko dapat maramdamang pinagsisihan kong pinakawalan kita.”, giit niya.
Lungkot at pagod ang sumisilay sa kanyang mukha habang binabanggit ang mga salitang ‘yun.

We've Been Once inlove (Young Hearts Series #1) Where stories live. Discover now