Chapter 13

1K 10 1
                                    

Claudine's POV.

"Ahm, Rafael sa'n mo gustong magdinner?", kanina pa ko tanong ng tanong dito but I think hangin lamang ang kinakausap ko. "I think McDonald's will do? I know paboritong paborito mo na palagi kang dinadala sa McDonald's, am I right Rafi?"

"Tsk.", that's it! Yun lang! Kanina pa puro 'tsk' ang sagot niyan eh.

And... I was irritated while looking at him--busy on his phone.

At ang mas malala... si Alice. Si Alice na naman ang pinagbi-busyhan nya. Arrrghhh!!

Sa inis ko... kinuha ko ang cellphone niya kaya ikinigulat niya iyon.

"Give me back my phone, Claudine!", he shouted but I don't care. "I SAID GIVE ME BACK MY PHONE!"

"It was always her, right?", nanlalabo ang paningin ko dahil sa luhang namumuo sa mga mata ko. "Si Alice na naman! Puro nalang, Alice. Alice, Alice, Alice! Its bullsh*t!!!", hindi ko na mapigilang umiyak.

Ayan na naman. Magmumukha na naman akong kaawa-awa.

"Stop crying, hindi yan makakatulong.", naagaw niya sa akin ang cellphone ng walang kahirap hirap.

"Lagi naman eh. Puro ka nalang, Alice! Sana... sana di ka nalang umuwi. Sana di mo nalang nakilala si, Alice.", pinahid ko ang mga luhang tumutulo sa pisnge ko. "Do you love her, Rafa? Mahal mo na ba siya? Hah?"

Tumingin siya sa akin. "What if I say yes?"


---


Alice's POV.



Umaga na naman, malamang kailangan kong pumasok kahit na tinatamad ako.

Matapos kong maligo at nagbihis ng uniporme ay bumaba na agad ako ng hagdan para mag-almusal.

Ganun lagi ang routine ko. Matapos mag-almusal ay ihahatid agad ako ni papa sa school. Pero nang maalala kong may bibilhin pala ako sa convenient store malapit sa paaralan ay naisipan kong magpahatid nalang hanggang doon.

"Mag-ingat  ka anak. May baon ka jan sa bag mo kaya kapag ginutom ka kainin mo iyon.", paalala ni papa nang nakalabas ako ng jeep.

"Opo, papa!", kumaway ako para magpaalam.

Amoy ko na kaagad ang aircon nang makapasok ako sa convenient store. Hinanap ko kaagad ang mga kakailangan ko para sa pagdidisenyo ng gym para sa darating na math camp.

Kumuha ako nga mga kartolina, glue, gunting, mga glue stick tsaka kumuha din ako ng mga glitter papers kung sakaling kailangan.

Naalala kong kailangan din pala ng ilang mga Styrofoam. Ang dami ng mga binili ko kaya nahirapan ako sa pagdadala.

"Ay!!"

Nahulog bigla lahat ng mga pinamili ko nang mabunggo ko ang--

"Need help?",  hindi ko ata kilala.

Hindi ko maialis ang mata ko sa lalaking nasa harap ko. Makapal na kilay, kulay abong mga mata, matangos na ilong, matangkad... di maikakailang, gwapo.

"Ah--s-sige ba.", mukha atang hindi taga rito ang isang 'to--I mean ngayon ko lang siya nakita kaya nasisigurado kong hindi siya taga Saint Ellaine.

May bitbit siyang libro--Julius Caesar ni William Shakespeare.

"William Shakespeare?", napatingin siya sa libro niya tsaka tumango. Kinuha niya ang ilang mga dala ko.

We've Been Once inlove (Young Hearts Series #1) Where stories live. Discover now