Chapter 19

948 10 0
                                    


Alice's POV.

Nagising ako...

Hindi iyon panaginip dahil ganito din ang suot ko kagabi.

Parang wala akong ganang pumasok ngayon.

Tamad akong kumuha ng tuwalya tsaka lumabas ng kwarto para sana maligo nang makasalubong ko si papa.

"Oh, anong nangyare diyan sa mata mo? Ba't namumugto iyan?", tanong niya.

Mabilis akong tumakbo papuntang salamin namin sa cr.

Omo! Namumugto nga ang mga mata ko.

"Darling!", rinig kong sigaw ni papa mula sa labas.

"Ano iyon, Darling?", sagot ni mama.

"Iyong anak mo, namumugto ang mga mata. Umiyak ata kagabi!", lintek naman si papa! Kahit kailan napakasumbungero!

Lumabas ako sa cr tsaka sila hinarap. "Oh, anak bakit umiyak?", salubong sa akin ni mama. "Hayaan mo pagkadating natin mamaya sa guidance office papagalitan namin sila.", saad ni mama.

Pinanliitan ko ng mata si papa kaya agad siyang napayuko.

Matapos kong maligo ay agad akong nagbihis. Kumain ako pero di ganoon karami gaya ng kinakain ko dati.

Hindi na sumabay sa amin si mama at papa papuntang school dahil daw mamaya pa naman iyon kaya wag masyadong excited. At tsaka magpapractice pa daw sila ni papa ng mga sasabihin at isasagot nila mamaya.

Haaay sana di na lang ako pumasok.

Napahikab ako nang makarating sa locker. Bago ko ito buksan ay naisandal ko muna ang ulo ko sa pinto nito.

Mas pipilitin ko nalang siguro na mahalin si Claudine, Alice.

Anong klaseng desisyon ang ginawa niya?

Kulang ata ang tulog ko kagabi. Halos mag aalastres na rin nang makatulog ako.

Binuksan ko ang locker ko at nilagay doon ang iilan kong gamit.

"Uy, Alice!", naisarado ko kaagad ang pinto ng locker ko.

"Hi, Chase." , bati ko sa kanya. "Hi, tita Che!", bati ko din sa nanay niya.

Masyado ata silang maaga.

"Nasaan ang nanay at tatay mo, Alice? Hindi pa sila dadating?", hinanap niya kaagad sina mama at papa.

"Mamaya pa po ang punta nila, Tita Che", sagot ko.

Agad na lumapit si Chase sa akin. "Ma, maghintay nalang po kayo sa benche malapit doon sa guidance office sigurado po akong may dadating din na parent doon.", tumaas ang kilay ng nanay niya.

"Hindi ko pa rin makakalimutan ang ginawa mo, Chase. 'Kala mo nagustuhan ko 'yun?", inayos niya ang pagkabitbit sa kanyang bag tsaka tumalikod sa amin.

Napabuntong hininga ako. Ako ang pinag-iinitan nina Claudine pero nadamay pati mga kaibigan ko.

"Alice, ba't ganyan ang mukha mo?", tanong niya habang hindi pa rin inaalis ang pagkakapulupot sa aking braso. "Parang namumugto ang mga mata mo. Umiyak ka ba kagabi?"

Naku, Chase kung alam mo lang ang nangyare.

Umiling nalang ako bilang sagot.

"Alam mo, Alice hindi ko inakalang sasali din sa gulo si Twilight eh. Akala ko nga susuwayin lang niya tayo.", saad pa niya. "Tsaka hindi ako pinagalitan ni papa sa nangyare eh. Tuwang-tuwa pa nga siya dahil daw natuto akong dumipensa sa mga kaaway ko. Tsaka pag gumaya daw ako sa kanya siguradong makakapasa ako."

We've Been Once inlove (Young Hearts Series #1) Where stories live. Discover now