Chapter 16

952 7 0
                                    

Alice's POV.

Mr. Delafuente?

Tama ba yung narinig ko?

Agad ako nagtago sa gilid nga canteen nang makitang papalabas na sila.

"Ako nang bahalang kumausap uli kay Rafael, alam mo naman yun ija.", nag-uusap sila.

"Hindi basta-basta ang babaeng yun, Tito. Para siyang higad kung kumapit kay Rafa."


"Don't worry, okay?"


"I hate, Alice talaga.", so ako yung sinasabi nilang higad?


Nang malaman kong nakaalis na sila ay agad akong lumabas.

"Tatay ba yun ni Rafael?"


---

Claudine's POV.


"Napakaganda nga talaga ng school niyo."

"Yes, tito. Actually my parents decided na mag donate ng pera dito.", tumango siya sa sinabi ko.

Huminto siya tsaka sinenyasan ang kanyang secretary. "Call, Rafael.", he said.

Umiling ako, di sana naiistress si tito kung di dahil sa Alice na yun eh.

"Tito."

"Hmmm..."

Tumikhim muna ako. "I decided.", inayos ko ang bag ko na hinahawakan ko ngayon. "Kami nalang po ang mag-uusap ni Rafa regarding to this problem."


---

Alice's POV.

Dahil sa kuryusidad ko ay napagdesisyunan kong sundan ang tatay at ang kinikilalang 'fianće' ni Rafael.

"Kami nalang po ang mag-uusap ni Rafa regarding to this problem"


Ako din ba ang problema dito?

"Okay, pero sa tingin ko... kaunting pahirap lang at susuko din ang babaeng yun."

Hindi ko akalaing ang sama ng tatay ni Rafael. Hindi ako nagkakamali sa aking nadinig at sigurado akong ako ang tinutukoy nila.


"Tito, why are you here nga pala?"

Muntik na kong makita ni Claudine pero mabuti nalang at nakatago ako sa likod ng acacia.

"May inasikaso lang ako, ija."

"Oh, sige po tito... ako nalang po ang kakausap kay Rafa."

"Saan ba ko puwedeng magsimula?", tanong ng tatay ni Rafael habang nakatingin sa kanyang relo. "Sige, mag-usap nalang muna kayo ni Rafael, ija at may meeting pa ko."

Dumaan sa harap ko ang lalaking naka tuxedo. Hindi ako makahinga dahil baka paghinalaan ako... baka nakita niya ko.


"Let's go.", kung di ako nagkakamali ay sekretarya niya iyon. 

Aalis na sana ang sa tinataguan kong puno pero biglang may mga kamay na kumulong sa akin dito.

"Rafael--"

"Anong ginagawa mo dito?", tanong niya. Pilit niyang hinahabol ang mga mata ko pero pilit din akong umiiwas. "Dad?"


Ngayon alam na niya.

"Rafael, curious lang talaga ako kasi--", di na niya ako pinatapos sa pagsasalita ng tumunog yung cellphone niya pero hindi niya ito sinagot.

We've Been Once inlove (Young Hearts Series #1) Where stories live. Discover now