Chapter 11

1.4K 14 6
                                    

Alice's POV.

"Eh sino ba yang gusto mong ligawan ijo?"

"Siya.", bigla akong natigilan. Hindi ko na magawang inguya ng maayos ang pagkain ko.

A-ako?

"Si, Alice?"

"H-Hindi! I mean, siya... gusto ko kapag manliligaw ako eh, k-katulad niya ang nililigawan ko.", saad pa nito.

Ewan ko kung bakit parang, may parte sa akin na nanghihinayang.

Hayts!

"Bakit ka pa naghahanap? Eh nasa harap mo lang naman pala.", uubo sana ako pero pinigilan ko ang sarili ko.

Bakit pa kasi sa dinami-dami ng pwede nilang pag-usapan ay yung ligaw-ligaw pa. Peste naman!

"Ahmmnn... kasi... ano... mas type ko yung magaganda.", kumulo ang dugo ko sa aking narinig.

Walangyang to! Walang utang na loob.
Buong buhay ko, kailan man hindi pa ako nakaranas ng ganito--yung ipamukha sa akin na pangit ako. Tapos siya--

"Walangya ka!"

Itinaas niya ang kanyang kaliwang kamay na para pang sumusuko.

"Wala akong sinabing pangit ka hah.", inubos niya ang natitirang fishball sa kanang kamay niya tsaka tinapon ang stick. "Tanungin mo pa si Mang Robert."

Binatukan ko siya. "Tanga ka ba?! EH PARA MO NA RIN SINABING PANGIT AKO EH!"

Natawa siya sa sinabi ko.

Aakmang babatukan ko siya ulit nang may biglang humarang.

Ngayon, hindi na nag-iisa ang mokong na to. Kasama na niya ang mga katropa niya na walang ibang ginawa kundi ang mambwisit ng buhay ko.

"Looks like both of you were having a date huh.", saad ni Dream habang inaakbayan si Rafael.

Bagay nga sila... magpinsan eh.

Huminga muna ako ng malalim. Tsk! "Alis na ko, Rafael. Hinahanap na ko ng mga magulang ko. Kitakits nalang."

Kitakits?

Gusto kong tampalin ang noo ko.

Kitakits? Saang lupalop ko naman iyon nakuha?


---

KANINA pa walang tigil ang ulan samahan mo pa ng napakalakas na hangin.

Nagtext na ko kina papa na sunduin ako sa waiting na nasa harap ng bakery.

Gustuhin ko namang maglakad eh sa wala nga akong payong eh. Tapos pagnagkasakit ako dahil sa ulan na to siguradong dagdag gastos na naman.

Napatingin ako sa aking relo.

5: 45 na.

"Tsk, baka nasira na naman ang jeep niya.", napakagat labi ako.

Hindi naman ako natatakot dahil may mga kasama naman ako dito na naghihintay din nang kani-kanilang sundo.

.
.
.
.
.
.
.

We've Been Once inlove (Young Hearts Series #1) Where stories live. Discover now