Chapter 26

1K 11 3
                                    

Alice's POV.

Sabi ko na nga ba eh, Rafael loves Claudine...not Alice.”

“Ang akala ko nga eh silang dalawa ni Alice ang magkakatuluyan-”

“Ano ka ba, engage na nga si Rafael at Claudine di ba?”

Hindi na nakatiis si Cleo kaya napatayo siya at lumapit sa mga babaeng nag-uusap-usap.

“Ang bastos talaga ng mga ugali niyo! Magchichismisan lang naman kayo tungkol kay Alice, harap-harapan pa!”, natakot naman ang mga yun kaya umalis na, “PAG-INULIT NIYO ULI YUN, HINDI NA TALAGA KAYO MAKAKALABAS NG BUHAY SA GATE!”

Nagtawanan kami sa nangyari. Kahit kailan talaga, hindi mapipigilan itong si Cleopatra. Laging inuuna ang init ng ulo kaya minsan ay napapaaway ito.

Ilang araw na rin kaming hindi nag-uusap ni Rafael. Sa tuwing magkakasalubong kami sa hallway ng school ay agad akong umiiwas. Baka kasi mainis siya kapag lagi akong bumubuntot sa kanya.

Hanggang kailan kaya kita makikitang nasasaktan, Alice?”,tanong sa akin ni Chase habang nakatingin siya kina Claudine at Rafael na ngayon ay masayang nag-uusap.

Kung sana ay hindi ako nagpadala sa damadamin ko, hindi sana ako nasasaktan ng ganito.

Napairap nalang ako. Napailing ang nga kasama ko sa inasta ko.

“Hay, Alice uso kaya ang magmove-on.”, walang pakundangang saad ni Blyss.

“Mahal niya eh, ano bang magagawa natin.” , lumabas na mismo iyon sa bibig ni Twilight.

Move on?

Paano ko gagawin yun? Ni hindi ko nga alam kung paano.

Matagal ko na rin gustong gawin yun, hindi ko na nga lang alam kung paano uumpisahan.

“Ayts! Nagugutom na ko, kumain na nga lang tayo.”, napahawak na sa tiyan si Cleo.

Saglit akong napatingin kina Claudine at Rafael. Nalungkot ako.

They seemed so happy.

Sino ako para sirain iyon?

“Tara na nga.”, nasipagtayuan sila.

Tutal ay uwian na kaya dumaan muna kami sa bahay nina Twilight at doon muna magmiryenda.  Turon ang menu namin ngayon kaya lahat kami ay excited kumain nito.

“May bagong lipat na engineer malapit sa bahay namin.”, pagkukuwento ng tatay ni Twilight. Balita ko ay doon din nag-aaral ang anak nito sa Saint Ellaine.”

Teka teka, lalaki po ba ang anak ng sinasabi niyo pong engineer?”, masayang saad ni Blyss. Nakakatakot ang bawat halakhak niya.

We've Been Once inlove (Young Hearts Series #1) Where stories live. Discover now