Chapter 3

1.9K 16 0
                                    

"Alis na po ako ma, pa.", paalam ko tsaka ako umalis.

Nasa 6: 30 palang ng umaga kaya nag-abang na ako ng masaaakyan. Pero inabot ako ng ilang minuto kaya napagdesisyunan ko'ng maglakad nalang muna.

Ang aga aga ko pa gumising, nae-excite kasi ako'ng pumasok. Hindi ko maiwasang ngumiti habang tinitignan ang mukha ko sa salamin ng cellphone ko. "Tsk, napakagandang nilalang mo talaga Alice!", umikot-ikot pa ko.

Nakasuot ako ng berdeng palda at puting uniporme na pinlantsa pa ni mama ng maaga. Busog ako dahil napakasarap ng agahan ko ; isang napakamainit na adobo sa umaga at samahan mo mo pa ng gatas.

"Waaaah, pakiramdam ko ay napakaswerte ko ngayong araw--ay Putik!", napatingin ako sa damit ko... kung di ako nagkakamali. "Putik! Omo! Ang uniform ko, may putik!"

May bumusinang sasakyan sa harap ko at may nakadungaw na...

"I'm sorry Alice.", its him. Lintek naman kay aga-aga binibwisit ang araw ko. 

Kay lawak lawak ng highway tapos  dito siya dadaan sa tabi ng side walk... kaya tingnan ang kalabasan... dahil sa napakagaling magpaharurot ng sasakyan ang lalaking to ay  natapunan ng putik ang puting uniform ko. "I'm sorry, it was accident... I'm really sorry"

"Aaarrgghh wala ka ba talagang magandang maidudulot sa buhay ko! Puro ka nalang sakit ng ulo. Tingnan mo nangyari sa uniform ko...", lumabas siya ng kotse at aakmang lalapitan ako nang...

"Wag mo ko'ng lalapitan dahil makakatikim ka talaga sa'kin!", huminga siya ng malalim. "Alis. Umalis ka nalang."

Nag-aalangan pa siyang umalis. "Uuwi nalang muna ako, at sisiguraduhin mong makakapagtago ka dahil kapag nakita kita... Naku! Magdasal ka na."

Without another word he left. Di man lang nagpresentang ihatid niya ko sa bahay. Haay ang layo pa naman nun, at ang mas masaklap... lalakarin ko pa. Tch sira pa naman ang jeep ni papa.

Kung minamalas ka nga naman oh!

---


Halos kapusin ako ng hininga nang makarating sa room dahil tanghali na nang sunduin ako ni Mang Domeng sa bahay at dahil na rin sa ginawa ng lalaking yun.

Napatingin pa ako sa wrist watch ko... its 7; 32, kung di ako nagkakamali ay 17 minutes ako'ng late. Omo, siguro kung di ko lang sana siya nakita kanina at natapunan ng putik ang uniform ko ay malamang kanina pa ako nandito sa room.

Nadatnan ko'ng nagtitake na ng exam ang mga kaklase ko kaya nataranta ako.

"Why are you late Miss Cortez?", nabigla ako sa sinabi ni maam. Napayuko ako habang hinihingal... tsk tsk tsk,

Kainis ka'ng Rafael ka, humanda ka talaga sakin... dahil hindi ko hahayaang makakalabas ka pa ng buhay dito sa school!!

"Im sorry maam di na po mauili--"

"Answer my question...", heto na nga ang sinasabi ko eh. "Bakit ka na late?"

Kasalanan mo to Rafael. "Eh kasi si Rafael!", duro ko sa kanya. "Kung di lang niya sinadya ang pagpapaharurot ng sasakyan niya sa tabi ko malamang hindi natalsikan ng putik ang damit ko at SIGURO ay nandito na ko sa room kanina pa!"

We've Been Once inlove (Young Hearts Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon