Chapter 20

918 11 0
                                    

Alice's POV.

Inayos ko ang suot kong P. E uniform atsaka labas ng cr.

Mabuti nalang at walang gulong nangyari kanina sa office. Kung mangyari man yun, paniguradong hindi uurong sina mama at papa.

"Miss Cortez, hindi ka pa na pupunta ng gym?", giit ni ma'am Locsin nang makita ako.

"Susunod nalang po ko.", sagot ko.

May performance sa role playing ang section one kaya kaming mga lower section ang magiging audience.

Romeo and Juliet ang itatanghal nila mamaya kaya bising-busy sila.

Pumasok ako sa room para kunin ang walet tsaka cellphone ko. Paglabas ko ng room ay...

"Anong ginagawa mo dito?", walang taong dumadaan--paano ba naman ay binantayan ng mga kagrupo niyang sina Dream ang paligid.

Ngumiwi ako ng makitang malungkot ang mga mata niya.

"Alice, I'm sorry", giit ni Rafael.

Hahawakan sana niya ang kamay ko pero iniwas ko kaagad 'to. Pilit niyang pinuputol ang distansya sa pagitan namin.

Nakita ko ang pagngisi ng iba niyang nga kasama.

"Sorry, but you're not sorry'', saad ko at tatalikuran ko na sana siya pero hinawakan niya ang braso ko. "Ano ba! Bitawan mo nga ko, Rafael--sisigaw talaga ako ng tulong."

"Walang makakarinig sayo, nasa gym silang lahat.", nagpupumiglas ako pero sadyang napakalakas niya.

Ano pa ba ang dapat naming pag-usapan? Sapat na ang sinabi niyang mamahalin niya si Claudine. Hindi siya lalaban kaya ano pa ang magagawa ko? Duwag siya!

"Aalis na ko--"

"Mag-uusap pa tayo!", may diin ang pagkasabi niya.

Ngayon ko lang napansin ang suot niyang puting seda at may dilaw na disenyo sa balikat nito, dilaw din ang pang ilalim niya na sinuotan pa niya ng itim na sapatos.

Napangiwi ako, sino naman kaya ang dumesenyo ng damit niya?

"Ayoko!", napatiim bagang siya, halatang nauubusan na siya ng pasensya.

"Ano ba naman 'yan, Rafael ilang minuto nalang at mag-uumpisa na.", halata ang inip sa boses ni Dream.

Ba't pa niya kasi dinamay ang nga 'to. Psh!

"Pupunta pa ko ng gym at paniguradong ikaw din.", binawi ko kaagad ang braso ko ng biglang lumuwag ang pagkakahawak niya.

Tumatak na sa isipan ko ang mga sinabi niya kagabi. At kung mag so-sorry siya dahil iniwan lang niya ko do'n sa plaza eh okay lang. Sanay naman ako.

Nasa gilid lang ako ng kanang bleachers--nag-iisa. Kahit one week na ko sa section two eh wala pa rin akong makitang 'kaibigan'.

Ang hirap kasi makita ang mga tunay.

Marami na rin ang mga nanunuod kaya medyo sumisikip na rin sa kinauupuan ko.

Kung kanina ay maingay sa gym dahil sa napakaraming manonood, ngayon ay napakaingay na ng gym dahil pumasok na naman ang mga grupo nina Dream--kasama na doon si Rafael.

"Si Rafael yun oh"
"Grabe, ang gu-guwapo talaga ng mga Delafuente, no?"
"Sinabi mo pa"

Naalala ko nung last week. Nahirapan pa si Twilight sa pamimilit kay Dream na gumanap bilang Romeo sa play dahil hindi daw niya iyon gagampanan kapag hindi si Twilight ang magiging Juliet...

"Alice!"

"BLYSS!", tumayo agad ako at umalis sa bleachers na iyon at mabilis na yumakap kay Blyss. "Bakit wala ka do'n?", turo ko sa kinaroroonan ng mga kaklase niyang nag-aayos.

We've Been Once inlove (Young Hearts Series #1) Where stories live. Discover now