Chapter 31

879 13 0
                                    


Third Person’s POV.

Kakatapos lang maligo ni Rafael at nanunuod na ito ng TV nang biglang may kumatok sa pinto ng unit niya. Hindi pa ito nakuntento at sumisigaw pa. Kaya padabog niyang itinapon ang remote sa sofa at dumiretso sa pinto para pagbuksan ang taong kanina pa sumisigaw.

“HOY! LUMABAS KA NGA DIYAN! WAG KANG DUWAG!”,napakamot pa siya sa ulo bago binuksan ang pinto ngunit laking gulat niya nang makita ang galit na itsura ni Blyss.

Aakmang isasarado na niya sana ang pinto nang biglang pigilan siya nito. “WAG KANG BASTOS! PAPASUKIN MO NGA KAMI!”, nakakahiya ito sa mga katabing unit niya kaya pinagbuksan na lang niya ito.

Napakurap pa siya nang makita si Alice na hinihila ni Byss papasok sa unit niya. Nakasuot ito ng kulay asul na long sleeves, itim na pants at stiletto. Namumugto ang mga mata kaya halatang galing ito sa pag-iyak. Nag-alala naman siya dahil dito.

“P-Pasensya ka na, si Blyss kasi eh ayaw maniwala sa’kin.”, giit ni Alice na medyo nahihiya pa. Binalingan naman niya ang kaibigan nitong si Blyss na nakacross arms at halos hindi na maipinta ang itsura dahil sa sobrang galit.

“Umupo muna kayo.”, inilalayan sila ni Rafael papuntang sala ng unit nito at dinalhan pa ng maiinum.

“Hindi na ko magpapaligoy pa, Raf.”, panimula ni Blyss. “Umiyak ng magdamag si Alice.”

Kumunot ang noo niya sa sinabi ni Blyss,hindi rin maipagkakailang nag-aalala ito para kay Alice dahil sa nalaman.

“Bakit naman? May nangyari ba?”, umiling lamang si Blyss.

Hinawakan ni Alice ang braso ni Blyss para pigilan ang kaibigan ngunit hindi ito natinag. “Blyss, walang kasalanan dito si Rafael. Ano ba? Umuwi na lang tayo.”

“Hindi! Ayoko ko pang umalis!”, inirapan pa ni Blyss si Alice at hinawi ang kamay nitong nakahawak sa braso niya at binalingan si Rafael.“Gusto mong malaman kung bakit o anong nangyari kaya umiyak yan?”
Napayuko si Alice dahil sa kahihiyan. Gusto na lang niyang tumakbo palabas at umuwi pero hindi niya puwedeng iwan ang kaibigan dito… kung bakit pa kasi niya sinabi kay Blyss ang nangyari kagabi eh. “Nag-away lang naman sila ng fiancé niya… nang dahil sayo!-”

Blyss ako mismo nakipagkita sa kanya-”

“Shut up Alice!”, sigaw ni Blyss sa kaibigan. “Kung hindi mo na siguro kinulit si Alice, kung sana tinanggap mo na lang na wala na talaga kayo edi sana hindi sila nag-away!”

Nanliit ang mata ni Rafael, tila pilit pang pinoproseso ang mga nangyari sa kanyang isip. Pumikit ng mariin si Alice. Hindi niya nagustuhan ang ginagawa ni Blyss, mas lalo lang nito pinapalala ang mga nangyayari.

“I… I’m sorry Alice.”, saad ni Rafael.

He remembered all the things that they talked last night at sa pagkakaalam niya ay wala silang ginagawang masama. Siguro ay nadala lang ng selos si Josh kaya sila nag-away ni Alice.

“Wala ng magagawa ang sorry mo, Rafael! Paano pagbabatiin ng sorry mo ang dalawa hah?!”

Hindi na rin mapigilan ni Alice na umiyak. Humikbi siya. Namula ang kanyang ilong kaya napatakip ito ng mukha para at lalong napahagulgul.  Hindi din nagsalita si Rafael. For a few moment, nakakabinging katahimikan ang naghari.

Kung sa totoo lang ay dapat nga siyang matuwa dahil sa nalamang nag-away ang dalawa dahil magkakaroon siya ng pagkakataong makapasok ulit sa buhay ni Alice. Pero nang maalala niya kung gaano kamahal ni Alice si Josh at kung paano ito nasasaktan ay tila nawawasak ang puso niya.

We've Been Once inlove (Young Hearts Series #1) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora