Chapter 29

879 11 0
                                    

Alice’s POV.

Dalawang araw ang makalipas simula nang magpropose sa akin si Josh and at the same the time… dalawang araw ang lumipas simula nang malaman kong bumalik si Rafael.

Pero bakit kaya siya bumalik?

Hmmm… maybe because may abirya sa kumpanya niya kaya ulit siya nandito o di kaya’y nag-away sila ni Claudine kaya bumalik siya para makapagisip-isip

tsk! malabong mangyari yun! Baka naman dito nila planong magpakasal. Pero hindi ko nabalitaang nandito din si Claudine eh… baka naman hindi lang sila magkasabay kaya susunod nalang si Claudine.

Umiling ako sa iniisip. Tsk! Ano naman ngayon kung bumalik siya? O kung ikakasal din sila? Masaya na ko ngayon at matagal ko ng nakalimutan ang nangyari sa amin noon.

Nagulat ako nang biglang may humalik sa aking pisngi.

Are you okay?”, umupo sa aking tabi si Josh dala ang pinabili kong pagkain, “ang lalim yata ng iniisip natin ah.”

Kumuha ako ng donuts at binaling ulit ang tingin sa mga batang naglalaro.
Marahan niyang hinawakan ang aking kamay kaya napangiti ako. Hindi pa rin nagbabago ang kanyang paraan para pakiligin ako.

Maswerte akong nakilala ko ang katulad niya. I owe him a lot, kung hindi dahil sa kanya ay baka hindi pa rin ako nakaalis sa napakapait na kahapon. Hindi siya nakakalimut na ipaalala sa akin kung gaano niya ko kamahal. I was so lucky to be loved by him.


“hindi na ko makapaghihintay na ikasal tayo.”, saad ko at narinig ko siyang tumawa.

“Ako din, excited na rin akong ikasal tayo.”, hinalikan niya ang kamay ko pagkatapos niya sabihin yun. “I love you”, giit pa niya.


“I love you too.”

“GRABE NAMAN ‘TO OH! KUNG MAKAPAG ‘I LOVE YOU TOO’ WAGAS!”, masamang tingin ang tinapon ko kay Blyss na nasa likod lang namin at pilyong ngumingiyi.


Tumawa si Josh sa inasta niya. Kaya napatawa rin ako. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko na para bang ayaw niyang pakawalan iyon.

“Ahm… Josh”, tawag ko sa kanya kaya nilingon niya ko, “Mamaya kasi babalik na ko sa Tagaytay para asikasuhin ang restaurant ko… pero wala akong kasama dahil busy din ang mga kaibigan ko.”


Then?”, umirap ako ng hindi niya magets ang ibig kong saibin. Gusto ko lang naman na samahan niya ko doon… tsk!

“Malamang gusto kong samahan mo ko!”, sagot ko nang hindi ko siya nililingon, “ewan ko sayo! tsk di ko alam kung nagmamaangmaangan ka lang ba o ano.”, pinitik niya ang noo ko kaya napahawak ako rito.

Napakapikon mo no?”, he said saka siya tumawa “Sige na, ako na ang maghahatid sayo mamaya. Tutulungan na rin kita bukas.”

Hapon na rin naman kaya naisipan naming bumyahe na papuntang Tagaytay.Habang busy siya sa pagmamaneho ay hindi ko maiwasang tumitig sa gwapo niyang mukha.

Kakayanin ko kaya kung wala siya?

Paano na lang kaya kung di siya dumating, si Rafael pa rin ba?

Umiling ako sa iniisip. Bakit ba napasok sa usapan si Rafael.

“Ano na naman ang iniiisip mo?”, he asked na hindi inaalis ang titig sa kalsada, “pakiramdam ko, may hindi ka sinasabi sa’kin.”, may halong pagtatampo ang boses niya.

We've Been Once inlove (Young Hearts Series #1) Where stories live. Discover now