Chapter 14

1K 14 2
                                    

Alice's POV.


Iba't iba ang kulay ng nakasabit na mga banderitas, mga bulaklak ang nakapalibot sa gilid ng gym, napakaraming lobo ang siyang mas nagpapabighani sa akin, at napakaraming estudyante ang sumasalubong sa bawat parte ng paaralang 'to


Di ko inaakalang marami din pala ang interisado sa kaganapang ito.

Actually, sumali lang naman ako sa math camp di para makakuha ng mataad na marka kundi para makabonding ang mga kasama ko.

"Welcome to the first math camp school based 2010!", naghiyawan ang lahat matapos batiin kami ng aming principal.

"Alice, tara kain muna tayo!", yaya sa akin ni Chase.


Luminga-linga ako sa paligid... nagbabakasakaling nandito siya. Nang makumpirmang wala siya ay napagdesisyunan kong sumama nalang muna sa mga kaibigan ko.

Habang nasa canteen ay panay ang tawanan namin sa mga kinikwento ni Blyss.


"Kamusta na ang pagiging martir mo may Pamado?", pag-iiba ko ng usapan na siyang ikinatahimik ng lahat.

Uminom muna siya bago nagsalita. "Well, I just realise... sana noon palang di na ko nagpakatanga.", nagulat ako--I mean di lang pala ako.


It's been a years... 2 years siguro ng makumpirma ni Blyss na gusto daw niya si Pamado and that made her Crazy!


"OUCH!", napahawak siya sa kanyang kaliwang pisnge matapos ang sampal sa kanya ni Cleo. "Grabe hah! Di yun masakit!"


"Anong nangyare sayo, Blyss? All this time... sumuko ka na? What made you realise na napakatanga mo?!", tumawa ako.


"Oo nga naman, Blyss. Akala ko di ka hihinto.", sagot ko pa.


"Ganito kasi iyon. After ko makitang may ibang kahalikan si Pamado ko...", nagkibit balikat siya. "Dun ko nasabi sa sarili ko na... dapat na kong sumuko.", kitang kita ko sa kanyang mga mata ang pagod.

"Hah? Di ko gets?", saad pa ni Chase.


Umirap si Alice. "Chase, ganito nga yun. Mahirap sumuko, pero mas mahirap maging tanga!", napangiti ako... grabe nag-iba ka talaga Blyss. "Okay na siguro na naging tanga ako noon, pero baliw na ko kung uulitin ko pa ngayon. Matapos kong masilayan yun, dun ko lang narealise na di ka makakapag-let go ng tao kung kulang yung sakit.", kulang? "I mean, yung tanging makakapagpukaw lang sa manhid at tanga mong puso ay yung sakit na di mo na talaga kaya."


Since I was first year in highschool... nakita ko talaga kung paano naging martir at tanga itong si Blyss eh. Di talaga mapigilan! Pero ngayon, mature na siya kung makapag-isip. Buti nga at nahimasmasan.


"OKAY!", sigaw pa ni Cleo. "Sisters! Congratulations! Blyss dahil graduate ka na sa pagiging tanga!", tumawa kami.


Itinaas namin ang aming mga baso. "Cheers!", sabay naming sigaw.

---


Kasalukuyan akong naghahanap ng subcamp ko. Bwisit naman akala ko buong section lang ang bawat grupo yun naman pala may subcamp-subcamp pang nalalaman ang program ba to.


We've Been Once inlove (Young Hearts Series #1) Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora