Chapter 15

1K 13 0
                                    

Claudine's POV.

Nasa kalagitnaan kami ng klase at hanggang ngayon ay di pa rin pumapasok si Alice.... and of course I am happy!

My day was very happy kasi nga walang Alice na sisira ng araw ko at higit sa lahat walang e-epal sa amin ni Rafa.

And.

Speaking of Rafa, kanina pa siya di mapakali. Tingin ng tingin sa pintuan.

I decided na lumapit sa kanya. "Hey.", pumulupot ako sa kanyang braso. Naryan pa rin ang sugat sa kanyang kaliwang braso. "Are you okay?"

Hindi niya ako pinansin at mas pinili nalang na basahin ang kanyang libro.

Pssh. Kinuha ko ang libro niya at itinago iyon sa aking likuran.

"Claudine, ano bang problema?", iritado niyang tanong.

"Ikaw, kanina ka pa lingon ng lingon sa pinto eh."

"Pakealam mo ba?", natahimik ako bigla sa sinabi niya.

Ilang minuto ang lumipas, bigla siyang tumayo tsaka naglakad papunta sa nga alipores ni Alice.

Pagkatapos nilang mag-usap ay bumalik siya sa kanyang upuan.

"At saan ka pupunta?", tanong ko nang kinuha niya ang kanyang bag. "So aalis ka? Dadating maya-maya ang teacher natin tapos aalis ka?"

Nataranta ako nang humakbang siya.

"KINAKAUSAP PA KITA RAFAEL!", nagsinghapan ang mga kaklase ko dahil sa narinig nila mula sa akin.

"Just mind your own business. Wala ka na dun kung ano ang dapat at di ko dapat gawin."

---

Alice's POV.

  "Anak, kumain ka muna.", hindi ko maigalaw ng maayos ang katawan ko. Bakit ba kasi kung saang gustong-gusto kong mag aral doon naman dumadating ang lagnat ko.

Inilagay ni mama sa gilid ng mesa ang hinanda niyang sopas.

Marami siyang inihandang pagkain ngunit wala akong gana. Nawawalan ako ng panlasa tuwing nilalagnat ako. Kainis.

"Uminom ka ng tubig oh.", pagkatapos ako pakainin ni mama ay pinainom niya ako ng gamot tsaka lumabas ng kuwarto.

"Haaaaaayyy", naiwan akong mag-isa.

ALAM MO! NAIINIS NA KO SAYO! PURO NALANG IKAW ANG BUKAMBIBIG NI RAFA! BAKIT BA DUMATING KA SA BUHAY NAMIN! AT... AT ANG MAS MASAKIT... HE'S STARTING TO LIKE YOU!

Sariwa pa rin sa mga ala-ala ko ang nangyare nung isang araw.

Gusto ako ni Rafael?

Umiling ako. "Malabo atang mangyari iyon."

I HATE IT! YOU KNOW WHAT?! DI KO NGA ALAM KUNG PAANO KA NAGUSTUHAN NI RAFA EH! GRABE NO?! LUMELEVEL UP NA ANG PAGIGING MALANDI MO!

Nakakasakit na ba ko? Kailan man... di ko ginustong makasakit. Kung ano man tong nararamdaman ko para kay Rafael, sana naman... di ito makakasakit ng kahit sino.

"Tsk. Alice!", nakatitig lang ako sa kisame habang inaalala iyon. "Mali ba ang gustuhin ko si Rafael?"

Kung pwede ko lang sana pigilan ang nararamdaman... sana noon palang ginawa ko na. Pero hindi eh! Kusa iyon... gusto ko siya nang hindi ko ginusto.

We've Been Once inlove (Young Hearts Series #1) Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt