Chapter 30

1.1K 15 3
                                    


Alice’s POV.


Kakatapos lang naming pumili ng venue ng kasal at naisipan kong umalis na lang muna ng café at tulungan si Blyss sa mga invitations. Si Josh na lang daw ang bahala ng mga iba pang aasikasuhin sa kasal.

“Thanks, Chase promise talaga bukas na bukas tutulungan kita dito.”, saad ko at tinulak ang pinto ng café.

“Hindi mo na kailangang gawin yan Alice. You should focus on your wedding. Saka naghire ako ng iba pang mga empleyado dito kaya hindi mo na kailangang mag-alala.”, giit niya at hinatid ako sa labas.

Hindi na ko nag-abalang magpahatid kay Josh dahil may emergency meeting siya kaya naiintindihan ko.

“Teka, hahanapan kita ng taxi-”

“No need, Chase. Pumasok ka na dun kaya ko na.”

Tumutol siya kaya mas nagpumilit ako na kaya ko.

“Are you sure?”, tanong pa niya kaya tumango ako. “S-Sige, mag-ingat ka hah. Saka tawagan mo ko kung kailangan mo ng tulong sa invitations.”


“Sige sige, makakaasa ka Chase.”, kumaway pa siya bago pumasok sa kanyang café.

Kinalikot ko muna ang phone ko para hindi ako mabored na maghintay ng masasakyan. I saw some messages sa phone ko at hindi ako nagkakamaling kay Josh ang mga ‘yon.

Josh:

I’m sorry kung di kita mahahatid, promise babawi ako. I’ll text Mang Robert para ihatid ka.

Gumaan ang pakiramdam ko nang mabasa ang text niya. Buti naman at hindi ko na kailangang maghanap ng taxi.

Josh:
Its already 11 am, kumain ka na?

Josh:

Hey, is it okay na hindi kita mahahatid? Just tell me kung gusto mog ihatid kita…

Dali –dali akong nagtype. Sh*t baka umalis nga siya sa meeting at sunduin ako dito.

Ako:
Okay lang ako, love. Hihintayin ko na lang si Mang Robert…

Ayokong maulit na naman ang ginawa niya nung nakaraang buwan. Hindi lang ako nakareply sa mga messages niya ay umalis siya sa meeting at pumunta ng bahay. Hindi ko alam kung pagagalitan ko ba siya o hahalikan sa ginawa niya.
Napangiti ako sa naalala. Lagi niyang pinaalalang prayoridad niya ko sa kabila ng lahat.

Hindi na siya nagreply... siguro dahil sobrang busy niya sa kanyang meeting.

“How’s life without me, Alice?”

Muntik ko nang mabitawan ang phone ko sa gulat nang makita kung sino ang lalaking nasa harap ko. Nanginginig ang tuhod ko sa hindi malamang dahilan.

Nakasuot siya ng puting long sleeves at black pants, na siya bumagay sa pangangatwan niya. Hindi rin maipagkakailang mas lalo siyang gumwapo. He looks more mature…

“R-Rafael.”, wala sa sariling nasambit ko ang pangalan niya. Bakit siya nandito?

“Ako nga Alice.”, dahan dahan siyang lumapit sa akin samantalang ako ay hindi pa rin makagalaw sa kinatatayuan ko. “Can we talk?

Mas lalo akong kinabahan sa sinabi niya. “Ano? Sa palagay mo kakausapin kita?”

“You sounds bitter huh?”

We've Been Once inlove (Young Hearts Series #1) Where stories live. Discover now