Chapter 22

1K 12 2
                                    

A/N:
   Sorry sa matagaaal na update. Busy kasi sa mga homework, outputs at performances sa school. Alam niyo naman kung gaano kahirap maging special science class. ╮(╯_╰)╭ 
     Enjoy reading!

---

Alice's POV.

"Alice",  hindi pa rin ako lumalabas ng kotse kahit kanina pa niya ko tinatawag.

"Sige na, mauna ka na. Mamaya na ko lalabas.", inilagay niya sa bulsa ng kanyang pantalon ang kanyang kaliwang kamay.

Kanina pa siguro naiinis ang lalaking to. Ah basta hindi ako lalabas, marami kayang mga estudyante rito at panigurado ako na kapag lumabas ako sa kotseng 'to ay pagtitinginan at pagtsitsismisan nila ako.

"Ma'am Alice, sige na po at baka magalit mamaya si ser", ngayon ko lang naalala na may driver pa palang nasa loob ng sasakyang 'to.

Bigla naman akong nakonsensya. Nadamay pa si manong sa katangahan ko.

"Ah", kinuha ko ang bag ko at dahan-dahang lumabas ng sasakyan,
"s-salamat po sa paghatid"

Umalis na rin ang sasakyan nila.

Napapikit ako ng hawakan bigla ni Rafael ang kamay ko. Hinila niya ko pero mas pinili kong manatili sa kinatatayuan ko kaya napatigil siya.

"Alice, tara na"

Iminulat ko ang mga mata ko. Tsk tsk tsk hindi nga ko nagkakamali, marami na ngayon ang nakatingin sa amin, yung iba nagbubulong-bulungan pa. Panigurado akong maya-maya lang ay kakalat na to.

Parang virus lang kasi ang chismis-napakabilis kumalat.

"M-Mauna ka na", napairap ito sa inis.

"Hayaan mo na sila", giit pa niya pero halatang naiinis.

Hinila ko ang kamay kong hinahawakan niya pero mas lalo lamang niya itong hinigpitan.

"Sila na ba?"

"I thought, si Claudine ang nililigawan niyan?"

"Ang landi ah"

Malakas siya kaya nahila na niya ko. Yumuyuko lang ako at tinatabunan ng buhok ang aking mukha habang naglalakad kami.

Sana naglakad nalang ako kanina o di kaya'y nagcommute nalang.

"Alice, gusto mo bang kumain muna? Ang aga pa naman-"

"Hindi na, pupuntahan ko nalang siguro sina Twilight", lumuwag ang pagkakahawak niya sa aking kamay, malamang ramdam niya ang pag-aalinlangan ko.

"Nahihiya kabang kasama mo ko?", umiwas ako ng tingin.

Natahimik kami... hindi ko man lang kayang sagutin ang tanong nito.

"B-Baka makaabot 'to kay Claudine at-"

"Then?", he cupped my face "wala akong pakealam. Akala ko ba lalaban tayo?", ngumiti ako.

Inipit niya sa likod ng tenga ko ang takas kong buhok.

Nagpatuloy kami sa paglalakad habang pilit na binabalewala ang mga sinasabi ng iba.

We've Been Once inlove (Young Hearts Series #1) Where stories live. Discover now