SDTR: Kabanata 22

Start from the beginning
                                    

Lumabas na ako ng kwarto, "Mama Claire!!" Sigaw niya, pero pilit ko siyang iniiwasan. Hindi ako galit kay Seb, hindi ko lang kayang ipakita na okay ako dahil ang totoo naman talaga ay hindi ako maayos. Durog na durog ako ngayon at hindi ko alam kung paano ko pupulutin ang sarili ko para mabuo akong muli.

Dumiretso ako sa dining area. "Oh great." Bulong ko nang makita kong magkasabay na nagbe-breakfast si Dad at Briana, habang si Mama abala sa pagluluto.

Tumayo si Dad at lumapit saakin, "I'm--"

"Sorry?" Patuloy ko, ewan ko. Siguro nga ang sama sama ko na dahil sa ginagawa ko ngayong pag sagot sagot kay Dad, pero kung hindi ko ilalabas ang galit ko, sasabog nalang akong bigla.

Nilagpasan ko si Dad at tumungo ako sa ref para kumuha ng fresh milk, nabalot ng katahimikan ang buong paligid.

"Anak kumain ka muna." Anyaya ni Mama, "Wala akong gana Ma," Mahinahon na sagot ko sakanya atsaka bumalik na ako sa sala dala dala yung fresh milk.

Umupo ako sa single sofa at tumitig lang ako doon sa TV, lumapit saakin si Seb at umakyat siya sa inuupuan ko atsaka pilit niyang hinalik halikan ang pisngi ko.

"Are you mad Mama Claire?" Tanong niya gamit ang maliit na boses, hindi ko siya sinagot, hinayaan ko lang siya sa tabi ko pero niyakap lang ako ng maliit na bisig niya.

Napatingin ako nang maglapag si Mama ng pagkain doon sa center table, kinuha ni si Seb sa tabi ko. "Halika muna, kakain ang Tita Claire mo." Magiliw na sabi ni Mama kay Seb.

"Ma, wala akong gana." Pinipilit kong h'wag tumaas ang boses ko, narinig kong huminga ng malalim si Mama.

"H'wag mong gutumin ang sarili mo nang dahil lang sa sama ng loob mo saamin ng Daddy mo anak, naiintindihan ko kung bakit ka nagagalit ngayon, pero hindi ko masisikmura na yung ibang tao ipinagluluto ko para may makain tapos yung anak ko nagmumukmok mag isa  dito." Litanya ni Mama saakin.

"Kumain ka na." Malamig na patuloy niya, tinitigan ko lang yung pagkain doon sa center table, hindi ko alam pero pakiramdam ko hindi ko talaga kayang kumain ngayon sa bahay na 'to.

"Wala akong gana." Pagmamatigas ko atsaka bumalik na ako sa kwarto ko at nagkulong doon.

Panay lang ang browse ko ngayon sa cellphone ko, naghahanap ng makakausap sa contacts ko. Hanggang sa matigil ako sa pangalan ni Ethan. Mariin kong ipinikit ang mata ko.

"Hindi pwede."

Nilagpasan ko iyon at tinext ko nalang si Jenica, pero hindi siya pwede ngayon dahil may aasikasuhin siya sa business nila.

__

Pumasok si Mama sa kwarto ko, nakabihis na siya ngayon ng uniform niya para sa trabaho. Ramdam kong wala pa ring emosyon ang mga mata ko. "Aalis na muna kami ng Dad mo," Bulong ni Mama atsaka humalik siya sa noo ko.

Tumango lang ako at nagtalukbong na ulit ng blanket.

Mag aalas dos na akong bumangon mula sa kama, pagkalabas ko ng kwarto kaagad kong nakita si Briana na nakahalukipkip at nakaupo doon sa mahabang sofa namin.

Hindi ko siya pinansin, sa halip ay dumiretso ako sa kusina. Wala si Seb, pero naririnig kong pinapaliguan siya ngayon ng Yaya niya doon sa cr sa guest room. Kumuha ako ng juice sa ref pero natigilan ako nang marinig kong magsalita sa likod ko si Briana.

"Ang kapal rin naman ng mukha mo na magpatawag ng Mama, sa anak ko." Matigas na pahayag niya, hindi ko alam kung inuubos ba niya ang pasensya ko o ano. Pero sawang sawa na akong makipag talo sa lintik na buhay kong 'to. Padabog kong isinara ang ref at nakipag sukatan ako ng tingin sakanya.

"Bakit? Ikaw ba ang nagpakahirap para dalhin siya sa loob ng siyam na buwan? Ikaw ba ang nahirapan manganak?" Bulyaw niya saakin, kung noon ramdam ko ang pagkainis niya saakin dahil kay Ethan, ngayon naman ramdam ko ang galit niya saakin dahil kay Sebastian.

"Siguro nga hindi ako ang nagdala sa kanya sa loob ng siyam na buwan, pero mahal ko yung bata at kaya kong mas maging ina para sakanya kaysa sayo." Ganti ko sakanya na nagpa gulat sakanya, aalis na sana ako pero napatigil ako nang marinig ko mula sa bibig niya ang pangalan ni Mama.

"Hindi na ako magtataka kung bakit nakikiaagaw ka, may pinagmanahan ka. Yung Mama mo." Halos umakyat lahat ng dugo ko sa ulo at hindi ko na napigilan ang sarili ko nang itapon ko sa mukha niya ang juice na hawak ko at isang malakas na sampal ang ibinigay ko sakanya! Nanginginig ang kalamnan ko sa sobranv galit sakanya!

"How dare you?!!" Sigaw niya saakin, nagtangka siyang lalapitan ako pero mabilis kong nahawi ang kamay niya!

"Wala kang karapatang pagsalitaan ng ganyan ang Mama ko dahil nasa pamamahay ka namin! Magsalita ka ng masama kung napakalinis mong babae ka, kagaya ng sinabi mo saakin noon. Hindi ako ipinanganak kahapon para hindi malaman kung ano mo yung lalaki na kasama mo doon sa bar." Punong puno ng galit ang pananalita ko sakanya! Gusto ko pa siyang saktan pero pilit kong piniligilan ang sarili ko!

Halata ang pagkagulat sa mga mata niya, kita ko ang panginginig ng kalamnan niya dahil sa sobrang galit saakin.

"Ngayon, kung ipagduduldulan mo sa mukha ko na mang aagaw ako. Baka hindi ako magdalawang isip na ituloy yon! At ipamukha sayo na wala kang karapatan sa kung anong mayroon ka ngayon!"

****

A/N: Thank you! Papasok na ako, matagal na ulit ang update! :)

Ate Ash.

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Where stories live. Discover now