Mabilis akong niyakap ni Mama pero pilit ko siyang itinutulak! "Claire!" Tawag niya saakin, rinig na rinig ko na ang sariling paghikbi ko.

"Claire listen to me." Pakiusap ni Mama at pilit niya akong inihaharap sakanya.

"No, Ma!! You listen to me! Paano mo nasisikmurang makasama yang kabit ni Dad?!" Sigaw ko sakanya, yung lintik na puso ko panay nanaman ang pagpiga.

"No..hindi siya kabit ng Daddy mo, nung una yan din ang iniisip ko. Pero mali anak," Unti unti nang bumagsak ang luha ni Mama, umupo ako sa kama ko, umupo naman si Mama sa harapan ko at hinawakan ang kamay ko saka tinitigan ako sa mga mata ko.

"Briana is the daughter of your Dad's first love." Bulong ni Mama, ngumisi ako, yung ngising punong puno ng pait.

"At pagkatapos? Magkapatid ba kami?! Tell me!" Sigaw ko, umiling iling si Mama.

"No."

"Oh, thank you! Matutuwa na ba ako?" Punong puno ng pang-uuyam ang boses ko! Ang lamig lamig nito at ni sarili kong tainga hindi makapaniwala sa tono ng pananalita ko ngayon kay Mama. Hindi ko kailanman sinagot si Mama, ngayon lang.

"Claire, makinig ka muna kay Mama." Pakiusap nito saakin dahil sa ginagawang pagsagot sagot ko, hinigpitan ni Mama ang paghawak sa kamay ko at panay na ang iyak niya. This is bullsht, huling beses ko siyang nakita umiiyak siya at ngayong pagbalik niya umiiyak nanaman siya?

"Hindi mo siya kapatid, pero ganun ko na ring matatawag iyon dahil inampon namin siya ng Dad mo noon. Ibinigay ni Dad ang buong pangalan natin sakanya."

"Wala na ang parents niya, namatay ang Mother niya dahil sa cancer, yung Dad naman niya tinalikuran na sila bata pa lamang si Briana, naawa ako kaya pumayag ako sa gusto ng Dad mo." Umiiyak na sabi niya, "Ito nalang daw kasi ang magagawa niya sa first love niya, ang tulungan ang anak nito."

"Mama naman! Bakit ba ang martyr martyr mo?!" Sigaw ko sakanya, hindi ko lubos maisip na kayang gawin ni Mama ang lahat ng ito! 

"Anak mahal ko ang Daddy mo."

"Madalas umaalis noon ang Daddy mo dahil nga dito, kahit hindi niya sabihin ramdam kong mahal pa rin ng Daddy mo si Rose. Rose is my best friend since I was in college, kaya lang ipinakasal ako ng parents ko sa Daddy mo dahil sa business." Umiiyak si Mama pero kasabay non ang pagtawa niya ng mapait.

"Kaya bakit ako tatanggi sa gusto ng Daddy mo? Hindi ba ako nga ang naging dahilan kung bakit naudlot ang love story nilang dalawa?" Napaawang ang bibig ko, bakit ba ang hina hina ni Mama?! Naiinis ako, bakit ang baba ng tingin niya sa sarili niya?

"Naudlot na love story?! You're kidding Ma, kaya nga naudlot kasi ayaw ng tadhana! Kaya nga kayo ang pinagtagpo ni Dad kasi kayo yung tama! Ma naman, just for once! Matuto ka namang lumaban!" Sigaw ko sakanya, panay pa rin ang buhos ng luha ko at parang tinutusok na ako ng milyong milyon na karayom! Tumayo si Mama at pilit akong niyakap.

"I know, I'm sorry. I'm sorry kung hindi ko kayang lumaban para sayo anak, mahal na mahal ko lang ang Daddy mo." Paghingi ng tawad saakin ni Mama.

Panay lang ang pag iyak ko, ni hindi ko magawang tanggapin ang mga yakap ni Mama. Ang sama sama ng loob ko sakanya, bakit hinahayaan niyang gawin sakanya ni Dad 'to? Bakit hindi niya magawang ipagtanggol ang sarili niya?

___

Hindi na bago saakin ang magising sa mabibigat na mata. Humarap ako sa salamin at halos hindi ko na makilala ang sarili ko, ang dating natural na ngiti sa mga labi ko nawala na. Napalitan na iyon ng poot.

Alam kong may kulang sa puso ko, pero bakit pakiramdam ko ang bigat bigat pa rin nito.

Naririnig ko na sa sala ang malakas na TV, cartoons ang palabas doon. Naihilamos ko ang palad ko sa mukha ko, hindi ko pa alam kung paano ko haharapin si Sebastian. Dahil sa ngayon hindi ko kayang ipakita sakanya na masaya ako kung ang totoo naman punong puno ng hinanakit ang buong katauhan ko.

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Where stories live. Discover now