Chapter 33

1K 37 1
                                    

Nagtatagis ang mga bagang nito at halatang nagpipigil lang ito ng galit. Agad niyang hinawakan ang nakakuyom nitong kamao.

"Max, please! Wag mo nalang patulan yan."

Bumaba sa kanya ang tingin nito at nahigit niya ang hininga sa galit na nakarehistro doon. Hinigpitan niya ang hawak sa kamay nito. Muling nagtagis ang mga bagang nito saka siya hinila palayo doon. Sumunod na lang siya ng walang tanong-tanong. Baka lalo pa itong magalit pag kinulit niya. Dinala siya nito sa isang pick up truck. Isa itong Ford Wildtrak.

"Teka. Susunduin ako ni Lino. Saka kaninong sasakyan to?"

Hindi ito umimik, basta nalang nitong binuksan ang pintuan sa may passenger seat.

"Just get in."

Agad naman siyang sumunod sa sinabi nito. Iti-text nalang niya si Lino mamaya.

Dumaan ang ilang minuto na nanatili sila doon. Wala ni isa sa kanila ang nagtangkang basagin ang katahimikan. Panay rin ang buntong hininga ni Max. Tila pinapakalma ang sarili. Hinayaan niya lang ito hanggang sa hindi na siya makatiis.

"Ahm, kaninong sasakyan 'to?"

"Mine, of course."

Yeah, right. Nice question, Mia.

"Ah, iti-text ko lang si Lino na wag nalang niya 'kong sunduin-"

"No need. I already told him. Mula ngayon ako na ang maghahatid sundo sa'yo."

"Ha? Eh, hindi ko pa nga siya nababayaran."

"I already paid him", malamig parin nitong sagot. Madilim parin ang anyo nito hanggang ngayon.

"Pero-"

"No buts. Saka sino ba yung lalaking yun kanina?"

"Si Mike yun, regular customer ng Lawod. Ganun lang talaga yun, makulit."

Lalong nagdilim ang mukha nito saka humigpit ang hawak sa manibela.

"So, lage ka pala niyang kinukulit. To what?"

Kinakabahan siya sa inaasal nito. Baka pag sinabi niya ang totoo ay balikan nito at bugbugin si Mike.

"Ahm, wala lang. Inaaya niya lang akong sabayan siyang kumain. Ganun lang. Pero bawal samin yun kaya hindi ko siya pinagbibigyan."

"So kung hindi bawal, pagbibigyan mo siya?"

Natameme siya sa biglaang pagtaas ng boses nito. Mukha naman itong natauhan ng makita ang reaksyon niya.

"Sorry. I didn't mean to scare you." Hinawakan nito ang kamay niya. "Hey", untag nito ng hindi parin siya umiimik. "I'm really sorry. I just don't like any other men touching you. Saka yan yung ayaw ko kaya ayaw kitang pagtrabahuin sa Lawod, diba?"

"Wala lang naman talaga yun, Max. Makulit lang yun si Mike pero mukha naman siyang harmless saka iniiwasan ko naman na siya eh."

Pinagsalikop ni Max ang mga kamay nila saka ito lumapit sa kanya at pinakatitigan siya.

"Promise me, kapag kinulit ka ulit nun tawagan mo ko, okay?"

"Bakit? Anong gagawin mo?"

"Pag-iisipan ko pa."

"Max!" Tinampal niya ito sa balikat saka pinandilatan. "Wag kang gagawa ng ikakapahamak niyong dalawa."

"Why? Are you concerned about him?" Muling nagsalubong ang mga kilay nito. Tila naiinis na naman.

"No! Baka lang kasi mapasobra ka tapos mamaya kasuhan ka nun."

He just smirked with what she said. Napaka-smug talaga pero bagay naman.

Working Girls Series# 1: Beautiful NightmareWhere stories live. Discover now