Chapter 54

851 33 2
                                    

Naalimpungatan si Mia sa pakiramdam ng may humahaplos sa buhok niya. Agad siyang bumalikwas nang mabungaran ang nakangising mukha ng isang lalaking pamilyar sa kanya ngunit doon niya napagtantong nakaposas pala ang mga kamay niya sa may uluhan ng papag na kanyang kinahihigaan. Lalo lang lumapad ang pagkakangisi nito bago siya hagkan sa balikat. Natanggal na pala ang polo na nakasapaw sa sando niya kanina. Nandidiring umusog siya para ilayo ang sarili mula dito pero muli itong kumilos palapit sa kanya sabay abot ng isang patay na bulaklak. Saka niya napansin ang tatoo nito sa braso. Janeth. Agad lumipad ang tingin niya sa mukha nito. Naaalala na niya, ito 'yong lalaki sa labas ng lobby ng kanilang condo.

"Sino ka? A-ano'ng kailangan mo sa'kin?"

Ngisi lang ang sagot nito sabay haplos sa pisngi niya.

"Kaya pala humaling na humaling sa'yo si Max. Ang ganda ganda mo pala. Pero mas maganda pa rin si Janeth ko", may halong tawang sabi nito hanggang sa natuloy iyon sa halakhak.

"Kilala mo si Max?"

Lalo lamang lumakas ang tawa nito sa tanong niya. Something's wrong with the way he laughed. Something's wrong with this freak, she can sense it. Patuloy ito sa pagtawa habang tumatango sa kanya.

"Kilala ko siya. Kilala niya ba ako?"

Maya-maya'y nahimasmasan na ito sa pagtawa saka tumayo at may kinuha mula sa sulok ng bahay kubong kinaroroonan nila. Hindi niya alam kung saang lupalop ng Pilipinas sila naroon pero wala siyang ibang marinig na ingay sa paligid maliban sa tunog ng mga kuliglig. Nanlaki ang kanyang mga mata sa takot nang makita ang bitbit nito pabalik. Hawak nito ang isang palaso sa isang kamay habang nakasukbit naman sa kabilang balikat nito ang pana. Umupo ito sa katre at tuwang-tuwang idinikit sa kanyang pisngi ang malamig na palaso.

"Maglalaro tayo", tila excited na aya nito. "Ano ba'ng gusto mo? Tago-taguan o habol-habulan?"

Umiling-iling siya dito. Baliw nga ang lalaking 'to at lalo siyang natakot sa isiping 'yon. Ang baliw kahit anong gawin mong pamimilit o pagmamakaawa ay mananatiling baliw pa rin.

"Alam ko na! Bakit hindi nalang natin pagsabayin? Patatakasin kita pero kailangan mong bilisang tumakbo kasi hahabulin kita. At siguraduhin mong hindi kita makikita kasi pag nakita kita", seryoso nitong itinutok sa kanya ang pana at palaso. "Whoosh, sapol ka!"

Muli siyang umiling-iling habang pumapatak ang mga luha sa takot.

"Bakit hindi mo nalang ako patakasin, period. Wala naman akong kasalanan sa'yo. Ni hindi nga kita kilala."

Bigla naman itong natawa sa kanya. May nakakatawa ba sa sinabi niya?

"Hindi mo 'ko kilala? Hindi ba 'ko nakwento ng boypren mo?"

Umiling siya bilang sagot pero bigla siya nitong sinakal habang pinakatitigan sa nanlilisik na mga mata, mga mata ng isang taong hindi na kayang sagipin pa. He's way too lost to be saved. And she's in so much trouble she needed to be saved.

"Pwes, ako kilala kita at pag sinabi kong maglalaro tayo, maglalaro tayo. Naiintindihan mo?"

Lalong humigpit ang pagkakasakal nito nang hindi siya sumagot.

"Naiintindihan mo ba?!"

Mabilis siyang tumango kahit nahihirapan na siyang huminga sa pagkakasakal nito. Agad siya nitong binitawan saka isinukbit sa leeg niya ang isang pito.

"Laro tayo, coach ha. Pero wag mong patutunugin yan kundi talo ka", nakatawang turan nito bago kalasin ang kanyang posas.

"Sige, takbo na, Mia. Isa, dalawa, tatlo-"

Agad siyang kumaripas ng takbo palabas ng kubo. Bumungad sa kanya ang napakadilim na paligid. Makulimlim ang langit, tila pati buwan ay nagtatago sa takot. Wala pa man ay hinihingal na siya sa sobrang takot. Kahit medyo nahihilo pa siya'y patuloy siya sa mabilis na pagtakbo. Napapalibutan siya ng mga puno ng saging. Mukhang nasa isang banana farm sila. Nagkaroon siya ng pag-asang may ibang taong makakatulong sa kanya.

"Tulong! Tulong!"

Bigla siyang napatigil nang may palasong lumagpas sa balikta niya't tumama sa puno sa kanyang kaliwa. Nanindig ang kanyang mga balahibo pagkarinig sa tawa ng baliw na 'yon. Muli siyang tumakbo pero hindi na ulit siya gumawa ng ingay. Hindi makakatulong ang pagsigaw. Maya-maya'y isang palaso ang dumaplis sa kanang braso niya at tumama sa puno sa kanyang harapan. Agad siyang lumiko ng daan. Hindi na niya alintana ang hapdi sa kanyang braso. Kailangan niyang makahanap ng matataguan. Isa pang liko at nasa bahagi na siya na wala ng mga puno pero nagpatuloy pa rin siya sa pagtakbo.

Habang papalayo, napansin niyang gumagawa pala ng ingay ang pito na nakasabit sa kanyang leeg sa bawat galaw niya. Kaya ba siya nito nasusundan kahit saan siya lumiko? Bigla siya napahinto nang maaninag ang kislap na nagmumula sa ilog. Agad siyang lumapit dito. Hindi niya alam kung malalim iyon o hindi pero wala na siyang oras para mag-isip. Unti-unti siyang lumusong sa malamig na tubig. May nakapa siyang gawang sa gilid ng lupa at doon siya sumuksok para magtago. Umuklo siya hanggang sa ga-leeg na niya ang tubig. Water had always been her friend. It's her safe haven, may it protect her now as she waits for some miracle to happen.

***

Max combed his fingers through his hair once again as he looked down at his phone. The red dot shows that Catherine is in the parking lot right now, just two floors away from him. The last time he can remember being this nervous and anxious was when he was about to meet his shrink for the first time. He was with Minerva then. He inhaled sharply to steady his breathing and tried not to jerk his leg while sitting impatiently at a corner table in a restaurant that she chose as their rendezvous. He would have chosen somewhere more private and quiet for them to talk but as obvious as it is, she’s too mad to listen to his suggestions and he’s too desperate to get her back he’s willing to bend to her demands no matter how frustrating it would be for him.

His brows furrowed as the red dot indicates that she’s moving away from the parking lot. Is she bailing out on him? His chair scraped against the floor as he abruptly stood up when the dot started to move away from the mall. He ran his way towards the escalator going down and waded his way through the throng of shop-goers. She’s already far away from the mall when he reached his car but he intended to chase her no matter what. He won’t let her get away this time. He expertly steered his car away while making a call.

“She’s moving away, track her down and chase her. If you get to her first, don’t let her go and wait for me.”

“On it, sir.

He ended the call and focused on red dot blinking on his phone. He got confused as the dot moved farther into Batangas instead of going back to Manila. Where is she planning to go? Then a foreboding feeling started to creep on his spine. He fumbled through his phone and called Blake.

Sir?

“Get the CCTV footage on the parking lot where Catherine had been. Something happened to her. Make it quick and send me updates.”

Okay, sir.

He gritted his teeth as he tried to maneuver through the traffic.

“Damn!”, he cursed as the light turned red just as he was about to overtook a van. His knuckles turned white as he gripped hard on the steering wheel. He should have waited for her outside or insisted on meeting her somewhere safer for her.

Working Girls Series# 1: Beautiful NightmareUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum