Chapter 14

1.1K 42 2
                                    

Mahimbing na ang tulog ni Mia nang mag-ring ang phone niya. Pupungas pungas niyang kinapa ang cellphone sa side table. Hindi niya na tiningnan kung sino ang tumatawag. Si Max lang naman ang nakakaalam pa ng number niya.

"Max, ang aga aga pa", nagmamaktol niyang sabi. Narinig niya itong bumuntong hininga. Bakit ba ito tumawag ng ganitong oras? Tiningnan niya ang oras. Gosh, 2:00 am pa. Bumangon siya at sumandal sa headboard ng kama. Mukhang naalimpungatan din ang aso na nasa paanan niya natutulog.

"Babalik na'ko mamaya."

"Oh. Mabuti. Bakit ka pala napatawag?"

"Who's with you?"

Bakit iniiba nito ang usapan?

"Si Cham. Umuwi na kanina si Soling. May sakit na naman 'yong anak niya."

An awkward silence passed them.

"Ahm, bakit ka nga tumawag?"

He chuckled. Ang sarap pakinggan, ang sexy ng boses nito. Hays.

"Pasensya na naistorbo ko ang tulog mo. I can't sleep."

Hindi niya talaga ito maintindihan. Minsan masungit ito sa kanya, tapos magiging friendly. Minsan naman cold ito sa kanya tapos biglang friendly na naman.

"So dinadamay mo 'ko dahil hindi ka makatulog", pagbibiro niya dito. Tumawa naman ito sa kabilang linya.

"I miss that."

Ha? Anong ibig nitong sabihin? Ayan na naman ang mga paro paro sa tiyan niya.

"'Di ba may ipapabili ka? Ano 'yon?"

Nagdalawang isip siya kung magpapabili pa ba siya . Nakabili na siya ng art materials kaso hindi kumpleto.

"Actually, nakabili na'ko ng art materials sa bayan. Pero pang-drawing lang. Magpapabili sana ako ng mga gamit pangpinta."

"Oh, nagpipinta ka pala. That's cool."

Medyo nahiya naman siya kasi mukhang na-amaze ito na nagpipinta siya.

"Ah, dati lang 'yon. Susubukan ko lang magpinta ulit."

"Okay. I'll buy them later. What else?"

"Wala naman na."

"Okay."

Tumahimik ang kabilang linya. Tanging paghinga lang nito ang naririnig niya.

"Ahm. Max, sige na. Tulog na'ko ulit", pagpapaalam niya dito.

"Sige."

"Bye."

Pinatay niya na ang tawag at tinitigan ang cellphone. Siya naman ang hindi na makatulog. Umaalingawngaw sa isip niya ang baritonong boses nito. Ilang araw ng laging ito ang laman ng isip niya. Kapag nagbabasa siya ng libro, minsan hindi niya napapansing nakatulala na siya't iniisip si Max.

Mia, stop thinking about him. Napapraning ka na.

Bumangon siya mula sa kama at bumaba sa kusina kasama si Cham. Nakaramdam siya ng gutom kaya kakain nalang muna siya. Matapos niyang kumain ay pumunta siya ng sala at sinubukang aliwin ang sarili sa panonood ng TV hanggang sa hindi niya namalayang nakatulog na siya sa sofa.

Nanaginip ulit siya at tulad ng lagi niyang napapanaginipan ay iniwan ulit siya ni Max na duguan at walang puso. Nagising siyang habol habol ang hininga. Nakahinga siya ng maluwag ng makita ang mga berdeng matang nakatunghay sa kanya. Siguro hindi pa tapos ang panaginip niya at ito ang kadugtong. Ngumiti siya ng may galak sa puso.

"Max", bulong niya sa pangalan nito. May nakita siyang dumaang emosyon sa mga mata nito na hindi niya mapangalanan.

Gumanti ito ng ngiti at hinaplos ang pisngi niya. Teka, bakit parang totoo ang hawak nito? Ang init ng palad nito. Bigla siyang napamulagat at agad na bumangon.

Working Girls Series# 1: Beautiful NightmareWhere stories live. Discover now