November

774 28 2
                                    

I never felt anything unbrotherly towards her.

Huh! Saan ang brotherly doon sa narinig niyang ginagawa ng mga ito sa kwarto?

"Ahh! Yes, babe fuck me harder!"

Urgh! Kahit kailan ayaw na niyang tawagin ng babe ng sinuman.

Mas pinag-igihan niya pa ang pagkuskos sa tiles ng CR. Madaming duming dapat linisin. Maraming mikrobyong kailangang patayin!

"Ah, be hinay-hinay lang ha baka mabura na yang tiles kakakuskos mo eh", biglang bungad ni Oksana na nakatayo sa may pintuan ng CR.

"Saka 'yang kilay mo pakihiwalay naman ng konti, wala ng social distancing eh."

Inirapan niya ito saka bumalik sa pagkuskos ng sahig.

"Pa'no naman kasi ang dumi-dumi nitong CR mo. Kelan ka ba huling naglinis dito?"

Alanganin itong ngumiti sa kanya.

"Be, kakalinis mo lang niyan last week, remember? May plano ka bang mag-DH sa abroad at ginagawa mong training ground itong CR ko?"

She glared at her infuriating version of a friend. Tinapon niya ang hawak na brush  saka padabog na tumayo.

"Oh, ikaw na magtuloy niyan, wala na'kong gana", sabi niya bago ito nilampasan palabas ng CR.

"Luh, nag-level up na agad sa mayordoma? Delegation of duties na ang peg?"

"Haixt! Maglinis ka na nga. Lalabas lang ako't nakakairita na dito."

Umawang ang mga labi nito sa pagsinghal niya.

"Sinong nakakairita?"

"Yung mga mikrobyo! Kabanas, hindi mamatay-matay", inis niyang sagot bago tuluyang lumabas ng condo nito. Kailangan niya munang magpahangin sa rooftop at baka pati si Oksana mapagbuhusan niya ng galit niya.

Working Girls Series# 1: Beautiful NightmareWhere stories live. Discover now