Chapter 48

844 35 19
                                    



Mia closed her eyes and inhaled deeply, trying to fill the gaping hole in her heart with the scent of the flowers around her. She tilted her head and a small smile tugged at her lips as she looked up at a flaming red orchid hanging on a tree branch. Sayang hindi niya nadala ang camera niya.

"Ang ganda niya, 'no?", pukaw ni Cara sa pagmumuni-muni niya.

Maaga silang pinauwi kanina ni madam dahil death anniversary pala ng kapatid nito. Sumama siya kay Cara sa pag-uwi nito sa bahay ng tita nito kung saan ito nakatira kasama ng mga pinsan nito. Kasalukuyan silang nasa garden nito at nililibang niya ang sarili sa paghanga sa mga bulaklak na tanim ni Cara. Hindi niya iyon pinaalam kay Max. Bakit niya ipapaalam eh kanina nga inagahan niya ang pag-alis para hindi muna ito makita, lalo na si Cleadeth. Napabuntong-hininga siya pagkaalala sa babae.

"Oo nga, eh. Parang ikaw", sagot niya dito na may tipid na ngiti sa mga labi. "Bagay sa'yo ang mag-alaga ng magagandang bulaklak kasi para kang Dyosa nila."

Imbis na mamula tulad ng inaasahan niya ay para itong nailang na yumuko saka pinagsalikop ang mga kamay sa likod nito. Yun ang lage niyang napapansin dito sa tuwing may lalaking lalapit dito sa Lawod. Napansin niya ding imbes na mag-ayos ito ng sarili sa tuwing nasa dressing room sila ay ginugulo pa nito lalo ang buhok nito tapos ngayon nagpa-bangs pa ito ng ala Betty La Fia. Hindi niya maintindihan ang trip nito sa buhay.

"Pwede bang magkunwari ka nalang na hindi ako maganda?", bulong nito.

"Ha?", gulat niyang tanong. Ang weird talaga nito. Pasimple itong tumingin sa pintuan ng bahay ng tita nito na para bang inaasahan nitong may taong nakikinig doon.

"Basta. Hindi ako maganda, okay?"

"O-okay", pagsang-ayon nalang niya dahil mukhang kinakabahan na itong napapatingin sa pintuan. Kung sinuman ang nandoon, sigurado naman siyang hindi sila maririnig nito dahil may kalayuan sila mula doon. Pero mukhang seryoso si Cara kaya umayon nalang siya dito.

"Ang pangit nito", malakas niyang puna sabay turo sa isang bulaklak doon. "Parang bangs mo, ang pangit-pangit."

Para naman itong nabunutan ng tinik na ngumiti sa kanya pero bigla ring sumimangot na ikinataka niya.

"Sabi ko ako lang ang pangit, wag mong idamay ang halaman. Baka mamaya magtampo yan", naiirita nitong sabi tapos tinalikuran siya para aluin ang halamang "nasaktan" nya ang damdamin.

Jusko. Akala niya wala ng mas loloka pa kay Melba.

Magkokomento pa sana siya nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Si Max ang tumatawag. Nagdadalawang-isip siya kung sasagutin ba ito o hindi. Ayaw pa niyang umuwi. Hinayaan nalang muna niyang mag-ring ng mag-ring iyon hanggang sa tumigil ito.

"LQ?", tanong ni Cara na nakatunghay sa hawak niyang cellphone. Nasa likod niya na pala ito. Hindi niya namalayang nakalapit na pala ito sa sobrang pagtitig niya sa pangalan ng tumatawag. Mas matangkad ito sa kanya kaya madali nitong nasilip kung sino ang tumawag.

"Wala, ayoko lang munang umuwi. Maganda dito sa garden mo, eh."

"Asus, sabihin mo nagtatago ka dito kasi may LQ kayo ni poging Max. Lam ko na yan. Wag ako, bor."

Kinurot niya ito sa tagiliran.

"Anong alam mo eh ang bata-bata mo pa? Senior high ka pa lang di'ba?"

Umirap ito bago humarap ulit sa halaman nito.

"Hindi na'ko bata, 'no. Yung iba ko ngang classmates alam na paano gumawa ng bata. Saka sa dalas magpalit ng jowa nyang pinsan ko, alam na alam ko na yang ganyang mga drama."

Working Girls Series# 1: Beautiful NightmareOnde histórias criam vida. Descubra agora