Chapter 4

1.3K 53 12
                                    

"Who are you?!", tanong ulit nito. Parang nagalit sa hindi niya pagsagot. Lalo tuloy siyang naumid. Hindi niya mahagilap kung ano ang isasagot.

"I swear, if you make me repeat that question once more, I'll let my dogs have a piece of you!"

"No, please!", pakiusap niya sabay tayo. "I-i need your h-help", kandautal utal niyang wika. She heard him gasp, she doesn't know for what reason. Baka mukha na siyang gusgusin. Bigla siyang naging conscious sa hitsura niya ngayon. Get a grip of yourself, Mia! Nasa panganib ka!

Ito naman ang biglang nanahimik.

"Mister?", untag niya dito nang dumaan ang ilang sandali'y hindi parin ito sumasagot. Nakatitig lang ito sa kanya. Nakita niyang kumuyom ang mga kamao nito. My ghad! Is he going to be violent now?

"If you are one of those magazine shits, you may leave now", mababa nitong sabi sabay talikod.

"H-hindi! I mean, no. I'm lost. Please help me".

Lalapit sana siya dito nang biglang humarang ang aso nito at tumahol sa kanya. Muli itong humarap sa kanya, medyo natatamaan ng liwanag ang kaliwang bahagi ng mukha nito.
Napasinghap siya. My gosh! What a piercing eye! At base sa tindig nito, nahihinuha niyang may maganda itong pangagatawan. Afam!

"I don't offer help to just anyone, miss. So if I were you, leave now and find someone else to help you."

Napalingon siya sa may gate at nakita niya kung gaano na kadilim. Nakakatakot bumalik sa kagubatan. Napakagat labi siya. Kung kailangan niyang magmakaawa sa estrangherong ito gagawin niya. Aanhin niya ang pride kung malalagay siya sa panganib?

"Please, I really need your help. I haven't seen any house in here except yours. And it's too dangerous now to wander in the dark-"

"No. I said leave!"

"Please! Just one night." Pinagsalikop niya pa ang mga kamay niya na parang nananalangin.

"Ha? What - one night?"

"Yes, one night. Just one night to stay at your house. Promise, I'll leave early tomorrow morning", paglilinaw niya.
Muli itong tumitig sa kanya mula ulo hanggang paa. Parang kinikilatis nito kung talaga bang mapagkakatiwalaan siya.

"You can check me - I mean my bag. I don't mean any harm. I'm just really lost. Please!"

"Bruno, Hugo, Cham, inside!", utos nito sa mga aso. Agad namang nagsipasok ang mga ito. Para siyang nakahinga ng maluwag. "You, too! Inside", utos din nito sa kanya sabay talikod.

Ano 'ko, aso?

Sumunod nalang siya dito papasok ng bahay. Naka-white sando ito at grey pants. Dahil nasa liwanag na sila, kita niya ang mamasel nitong mga braso.

Parang ang lapad ng likod niya, masarap kaya itong sandalan?

Ipinilig niya ang ulo sa mga naiisip niya.

Kaloka, saka ka na lumandi pag ligtas ka na.

Namangha siya pagpasok sa sala. May isang mahabang sofa at pang-isahang couch sa gitna nito. May grand piano sa kaliwa. May magarbong hagdanan paakyat na parang pormang letter Y.
Umupo siya sa mahabang sofa.

"Who told you to sit down?"

Napatayo agad siya. Right, where's your manners Mia? Don't sit when you are not told to.

Nakahalukipkip na humarap sa kanya ang lalaki. Muli'y nahigit niya ang kanyang hininga ng matitigan ang hitsura nito.

The man eminates so much sex appeal. He has green piercing eyes, square jaw at - shocks, ang tangos ng ilong. Meron din itong one day grown stubbles. Clean cut na buhok. Isa pang kapansin pansin sa muka nito ay ang pilat sa kanang bahagi nito. The scar runs from his temple to his cheek. But imperpections make you see the beauty of everything. And his scar just added up to his sex appeal, making him more mysterious, gave him a darker aura. What happened to his face?

Working Girls Series# 1: Beautiful NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon