Chapter 36

981 31 5
                                    

Ipinikit niya ang mga mata at ninamnam ang malamig na tubig mula sa shower na umaagos sa kanyang katawan. She's desperately hoping that the cold water would wash away all her anger but to no avail. Napalingon siya nang marinig na bumukas ang pintuan ng banyo. Huminga siya ng malalim pagkakita kay Max na hubad-baro at ngayo'y naglalakad palapit sa kanya. Agad siyang tumalikod at nagkunwaring abala sa pagsasabon ng sariling katawan. Nahinto lang ito nang hawakan ni Max ang kamay niya't inagaw ang sabong hawak niya.

Pinigil niya ang paghinga at nanatiling nakatalikod dito nang simulan nitong sabunin ang kanyang likod.

"Do we have a problem, babe? Don't try to deny it, I know something's wrong."

Hindi parin siya umimik dito. She stayed still and stood her ground.

"Please, talk to me", he whispered, his hot breath fanning her ear making her will waiver a little. But not enough to fan out the embers of her anger.

Tumigil ito sa pagsasabon at pinatay ang shower nang ilang sandali ang lumipas ay hindi parin siya umiimik.

"You'll catch a cold if you stay longer in the shower. Let's - "

"Why did you not stay here last night?", hindi na niya matiis na tanong. "Bakit ayaw mong matulog sa tabi ko?"

Ito naman ang hindi makasagot sa tanong niya. Unti-unti siyang humarap dito para tignan ito sa mga mata pero nakatungo ito na tila may iniisip na malalim. Hindi niya mabasa ang ekspresyon ng mukha nito.

"Bakit, Max? At huwag mong ikakaila kasi ilang araw ko na ring napapansin na wala ka lage paggising ko. Akala ko maaga ka lang talaga nagigising pero ngayon alam ko nang hindi ka talaga dito natutulog."

Humugot siya ng malalim na hininga nang hindi parin ito umimik. Nanatili itong nakatitig sa sahig na para bang may napakainteresanting tignan doon.

"Maiintindihan ko naman kung ayaw mo talagang tumabi sa'kin sa pagtulog-"

"It's not that I don't want to", sa wakas ay nag-angat ito ng tingin at nahigit niya ang hininga sa nakitang emosyon sa mga mata nito. Para itong nagmamakaawa pero hindi niya alam kung para saan at bakit.

"Then, bakit hindi ka dito matulog?"

Umiling-iling ito habang ang mga mata'y para paring nakikiusap sa kanya.

"I just can't and you wouldn't like the reason why."

Umiling ulit ito nang tangkain niyang magsalita ulit at saka lumabas ng banyo ng walang imik.

***

Buong araw silang walang kibuan at hindi rin sila nagsabay kumain. Tila may isang malaking pader na nakapagitan sa kanilang dalawa. Naabutan niya itong tumitipa sa laptop pagpasok niya kanina sa library para kunin ang kanyang sketch book. Ni hindi ito nag-angat ng tingin para tignan man lang siya. Nanatili itong nakatutok sa laptop nito at lalo pang lumakas ang pagtipa nito, tila dito binubuhos ang frustrations nito o anuman base sa magkasalubong nitong kilay. Naaawa siya sa kung sinuman ang kasagutan nito sa email.

Pero mas naaawa siya sa sarili habang nakatungaga sa kisame, hindi makatulog sa kakaisip sa isang taong hindi niya sigurado kung iniisip din ba siya. Bumuntong hininga siya nang makita sa orasan sa kanyang side table na alas tres na ng madaling araw. Hindi pwedeng basta nalang sila mahantong sa ganito na walang sapat na kadahilanan. Hindi na niya natiis at bumangon para puntahan si Max sa silid nito kesehodang magalit ito sa kanya.

Agad nagising at tumayo si Cham mula sa pagkakahiga nito sa sahig sa labas ng kanyang pintuan paglabas niya. She scratched his neck and he wagged his tail happily in response.

Working Girls Series# 1: Beautiful NightmareWhere stories live. Discover now