Chapter 6

1.4K 49 3
                                    

"We don't really have much choice, do we? Let's wait until the weather condition gets better."

'Yon lang at umalis na ito. Galit kaya ito sa kanya?

Hinanap niya agad ito matapos niyang mahugasan ang mga pinagkainan nila. Natagpuan niya ito sa sala at may kausap sa cellphone nito. Tumingin lang ito sa kanya sandali at muling ibinalik ang atensyon sa kausap nito. Umupo nalang muna siya sa sofa. May nakita siyang magazine sa ilalim ng center table kaya 'yon ang pinagkaabalahan niyang basahin.

May article dito na "5 Ways To Get Rosy Cheeks Naturally". Ayon dito, kung wala kang powder to make your cheeks rosy, you can always pinch your cheeks to have that natural blush.

Ma-try nga.

Kinurot-kurot niya ang pisngi. Tumingin siya sa mirror app ng phone niya. Parang wala namang nangyari. Kinurot niya pa ulit ang kanyang pisngi, may kasama pang sampal. Tignan niya lang kung di pa yan mamula.

"Hey! Why are you hurting yourself?"

Muntik pa niyang mabitawan ang kanyang cellphone sa gulat.

"Kakagulat ka naman."

"I was just asking. So bakit mo nga sinasampal ang sarili mo?"
Parang seryoso talaga ito sa tanong nito. Magkasalubong na ang mga kilay nito. Concerned?

"Ah, may nabasa lang kasi ako sa magazine about getting rosy cheeks naturally", medyo natatawa niyang sagot. "Sinubukan ko lang."

"You girls should not believe everything that is written in those magazines. Kapag ba sinabi dyan na tumalon ka sa building to have a clearer view of life, will you do it too?"

Natahimik siya sa sinabi nito. Sensitive sa kanya ang ganyang topic. As much as possible, iniiwasan niya ang mga bagay na tungkol sa pagpapakamatay. She promised to herself that she will never think of ending her life ever again.

"Pwede ko bang magamit ang toilet? I'll just change my clothes.", pag-iiba niya sa usapan. Alam niyang nagtaka ito sa inasal niya dahil lalong nagsalubong ang mga kilay nito. Ewan ba niya pero parang kahit anong ekspresyon sa mukha ay gwapo parin ito.

"Sure. I'll just be in the library. Mukhang matagal pa titila ang ulan. I'll work for now."

Tumango lang siya saka pumuntang CR malapit sa kusina.

Nadismaya siya ng wala siyang mahalungkat na t-shirt sa bag niya. Argh! Nasa maleta niya nga pala ang karamihan ng mga damit niya. Mga shorts at sando lang ang nasa bag. Sa huli ay wala din siyang nagawa kundi ang suotin kung ano lang ang meron siya.

Hayss. Malamig pa naman ngayon masarap sanang mag-jogging pants at t-shirt.

Naramdaman niya kaagad ang lamig pagkalabas niya ng CR. Lamigin pa naman siya. Naupo uli siya sa sofa at hinimas ang kanyang mga braso para mabawasan ang lamig na nararamdaman.

Wala nman siyang magawa dito. Mukhang lalo pang lumakas ang hangin at ulan sa labas. Padalas na din ng padalas ang pagkulog at kidlat. Hindi naman siya takot sa kulog at kidlat. Minsan nga mas gusto niya pa 'yong bumabagyo kasi madalas nasa bahay lang kayong magpamilya. Wag lang talagang bumaha.

Hindi naman siguro magagalit si Max kung mag-iikot-ikot siya dito. Wala naman siyang gagalawin, titingin lang. Lumapit siya sa grand piano. Mahilig siyang makinig ng music pero wala siyang alam sa mga instruments. Kahit gitara sinukuan niya ng matutunan. Pero isang tingin pa lang sa piano alam niya na mamahalin ito.

Nakakapagtaka kasi walang mga larawan na nakasabit o nakalagay sa ibabaw ng piano. Gano'n kasi ang usual na nakikita niya sa mga magazines at movies. Napatingin naman siya sa pintuang unang madadaanan pagpasok mo sa bahay bago ang kusina. Ano kayang meron doon? Lumapit siya at sinubukang buksan ito.

Working Girls Series# 1: Beautiful NightmareOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz