Chapter 42

894 35 3
                                    

Hinihingal na napatingala si Mia sa kisame ng kusina. Nanginginig pa ang kangyang mga tuhod dahil sa sarap na pinalasap ni Max. Isinuklay niya ang kamay sa sariling buhok saka tumingin kay Max na nasa pagitan parin ng kanyang mga hita. He's savoring every drop of her juices. Ibang klase talaga.

"Tama na, please", nanghihinang pakiusap niya dito sabay hila ng buhok nito para magpantay ang kanilang mga mukha.

Itinukod ni Max ang mga kamay sa island counter na kinauupuan niya ngayon. Katatapos lang nilang mag-agahan at ihahatid na sana niya ito sa pintuan palabas nang maalala nitong hindi pa pala daw ito nagde-desert.

"You're a mess. Paano ka na papasok niyan?"

"This?", turo nito sa labi nitong nangingintab pa. Kinuha nito mula sa bulsa ang panyo at ipinahid sa mga labi nito. Inayos naman niya ang buhok nitong nagkagulo-gulo dahil sa pagsabunot niya kanina. Kumuha din siya ng kitchen tissue para ipahid sa noo nitong namamawis.

"Ayos na ba?" He puffed out his chest and adjusted his tie.

He looks so handsomely delicious she can't help but bite her lip.

"You look like the business magnate who just ate his desert on the way to his meeting", she quipped.

"Good enough."

Magkahawak-kamay sila nang ihatid niya ito sa pintuan.

"Where do you plan to go today?"

"Wala. Dito nalang muna 'ko. Tatapusin ko pa yung librong binabasa ko."

Umiiwas din siya baka kung sino na naman ang kakilalang makasalubong niya kung sakaling lumabas siya.

"Uwi ka ng maaga, magluluto ako ng dinner." Tumingkayad siya para halikan ito sa labi. "Ingat ka."

Max smiled slowly, his gaze remained riveted on her face.

"I am liking this set up more and more each day", he admitted and kissed her hand. "Alis na'ko. Think of me from time to time." Kumindat ito bago lumabas at sinara ang pintuan.

From time to time? Always 'kamo...

********

Kakatapos lang ni Mia maligo. Mabuti nalang may mga pambabaeng products na sa banyo. Pinagplanuhan na kaya ni Max dati pa na dalhin siya dito? Napangiti siya sa naisip. Nagtapi lang siya ng bathrobe at saka lumabas ng banyo.

Kinuha niya ang mga gamit niya tulad ng facial cream at lipstick at inayos sa ibabaw ng table na kinalalagyan ng vanity mirror. Hinugot niya ang isang drawer para doon ilagay ang iba pang gamit nang mapansin ang isang pill box. Ano kaya 'to?

Binuksan niya ang box out of curiousity. Bumungad sa kanya ang isang pares ng hikaw. Hindi ito masyadong kalakihan. The earrings feature freshwater pearls on a rose-gold sterling silver base. Nakapormang infinity ang mumunting diamonds na nakapaikot sa pearl. Its a combination of pearls with a little bit of bling. Classy and elegant. May taste kung sino man ang pumili nito.

She has a nagging feeling that something's not quite right. Pink wall, pink bedcover, pink carpet? And now pinkish earrings. And the feminine products in the bathroom. Natigil amg kanyang pag-iisip nang biglang mag-ingay ang doorbell. Agad niyang sinauli sa drawer ang earrings at inayos ang pagkakatali ng kanyang roba bago lumabas ng silid.

Lakad-takbo siya palabas ng hallway sa pag-aakalang bumalik si Max.

"Max!"

"Maxxy!"

Sabay nilang banggit pagkasalubong nila sa sala. Sabay ding napalitan ng pagtataka ang ekspresyon nilang dalawa ng babaeng nadatnan niya. Maganda ito at matangkad. Fair-skinned, with long blonde hair. Pillowy lips, thick-brushed up brows and golden brown eyes. Hindi niya mapigilang humanga dito habang nakatingala sa maganda nitong mukha. Hindi lang mukha nito ang maganda kundi pati hubog ng katawan na bakat sa suot nitong fitted blue jeans at sleeveless white blouse. Simple lang ang suot nito pero ang dating ay para na itong rarampa sa catwalk. Pero pa'no ito nakapasok?

Working Girls Series# 1: Beautiful NightmareOnde histórias criam vida. Descubra agora