Chapter 50

834 30 2
                                    

"Hey", bulong nito habang kinikiskis ang ilong sa kanya. "What's wrong?"

He paid the girl to shut her up.

Ganun din ba ang gagawin nito kung sakaling dumating sila sa puntong magreklamo siya dahil nasaktan siya nito? Kaya ba nitong gawin yun sa kanya? Nagsisi man lang ba ito sa ginawa nito sa babaeng yun?

Huminga siya nang malalim para pakalmahin ang sarili. Hindi siya dapat magpadala sa sinabi ni Cleadeth. Ni hindi pa niya alam ang buong pangyayari. Malay ba niya kung nagsasabi ito ng totoo o sinisiraan lang nito si Max sa kanya. Pero bakit naman nito gagawin yun gayong malapit ito kay Max?

"Babe?", untag nito sa kanya. Concern is shown in his eyes.

Para namang hinihiwa ang puso niya sa isiping hinuhusgahan niya ito nang hindi man lang nito naipagtatanggol ang sarili. This is Max, the man she loves. She shouldn't feel fear nor disgust towards him.

"Kiss me."

"What?", tila naguguluhang tanong nito.

Hindi nya ito masisisi kung naguguluhan man ito sa kanya ngayon kasi kahit siya hindi maintindihan ang nararamdaman niya ngayon. Pero isa lang ang alam niya, hindi dapat siya natatakot o nandidiri dito.

"Kiss me", utos niyang muli dito.

He smiled and cupped her face with his warm hand. Agad kumabog ang puso niya sa ngiti nito at nagkarambula ang mga paro-paro sa kanyang tiyan sa mga titig nito. Ipinikit niya ang kanyang mga mata pagkalapat ng mga labi nito sa mga labi niya. Nanginig ang kanyang mga labi sa simpleng dampi lang ng labi nito. More, she needs more.

She wrapped her arms around him and deepened the kiss. Max cupped her head to hold her in place then plunged his tongue inside her mouth. She moaned in response. Yes, his effect is still the same. He can still make her weak with just a kiss. Her heart and soul yearns for him. Her body still burns for him but a logical part of her mind is urging her to run and hide.

But Mia's too blinded to see reasons and too deaf to listen to any warning. Just a few more whisper of passion, she succumbed to her desires and followed Max when he pulled her to her room. There, she made love to him and forgot all sense of logic or reason.

Hindi na niya ipinagtaka na wala na ito sa tabi niya kinaumagahan. Naghihikab pa nang bumaba siya sa hagdan. Nadatnan niyang pinagtutulungan nina Max at Cleadeth na ipasok sa cage nito si Bruno. Nakabihis panglakad na ang dalawa. Nakangiting lumapit at humalik sa kanya si Max matapos maipasok si Bruno sa cage nito.

"Good morning."

"Hey", tipid niyang bati dito.

"Check up ngayon ni Bruno. Gusto mo bang sumama?"

Para namang napilitan lang.

"Wag na. Dito nalang ako, gusto ko munang magpahinga."

Ngumiti ito at pinaikot ang mga braso sa kanyang bewang.

"Sige pero wag ka munang lumabas habang wala ako, okay? Babalik din naman kami agad, sandali lang kami dun."

Tumango siya at hinawi ang buhok na bahagyang tumabon sa noo nito.

"Okay", pagsang-ayon niya kahit sa isip-isip niya'y alam niyang makakahanap ng paraan si Cleadeth para magtagal ang mga ito sa syudad.

Muli siya nitong hinalikan sa noo bago nagpaalam. Hindi na siya sumama sa rooftop dahil nagugutom na siya at mukhang hindi na man na siya kailangan doon.

Sinubukan niyang libangin ang sarili matapos mag-agahan. Kaso tapos na siyang magpakain ng mga aso at magdilig ng mga halaman pero hindi parin siya mapakali. May isang bahagi ng utak niya ang hindi sang-ayon na para siya butihing maybahay na naghihintay lang na bumalik si Max habang kasama nito ang babaeng yun.

Working Girls Series# 1: Beautiful NightmareWhere stories live. Discover now