Chapter 62

1.1K 35 8
                                    

Muling tiningnan ni Max ang mapa sa kanyang cellphone para siguraduhing tama ang nilikuan niyang eskinita. Tama kaya ang binigay na address ni Oksana? He came to her condo yesterday to try to talk to Catherine. Alam niyang doon niya ito mahahanap pero wala na ito doon pagdating niya. Sumunod pala ito sa mga magulang nito sa probinsya nila. He didn't know why it took him this long to look for her and he's so damn nervous his hands are so cold and he can't stay still.

Pumarada siya sa gilid ng makipot na kalsada at saka tiningnan ang mga bahay para ikumpara sa picture na pinadala ni Oksana. Laking pasalamat niya't kahit sinungitan siya nito noong una ay naging cooperative naman ito kalaunan sa kanya. Naglakad pa siya nang konti hanggang sa matapat siya sa mismong bahay na kanyang sadya. Isa itong bungalow type house with a small garden outside. Walang anumang bakuran, tanging mga halaman lang ang nakapagitan dito at sa kapitbahay.

Inayos niya sa isang kamay ang dalang mga pagkain saka kinakabahang kumatok sa pintuan. Ilang sandali lang ay may nagbukas na isang may edad na lalake.

"Ay, sino po ang sadya nila?", tanong nito sa kanya.

Yumukod at ngumiti siya dito bilang paggalang.

"Ah, nandito po ba si Catherine? Ako po si Max, boyfriend niya", pagpapakilala niya dito na ikinamulagat ng mga mata nito sabay tingin nito sa kanya mula ulo hanggang paa.

"Nestor, sino ba 'yang kausap mo?", tawag ng isang babae mula sa loob ng bahay.

"Ay, boypren daw ni Mia", balik sigaw nito.

May narinig agad silang komosyon mula sa loob hanggang sa may tatlong taong sumulpot sa pintuan. Isang babaeng kaedad ng lalaking kausap niya, ang isa ay lalaking sing edad at tangkad niya, ang huli ay isang babaeng sa tantiya niya'y nasa teenage years pa lang nito.

"May boyfriend si ate Mia?", tanong ng batang babae sabay hagod ng tingin sa kanya. Ganun din ang ginawa ng iba pang kasama nito, lalo na ang babaeng may edad na.

"Bakit hindi ka naman nakikwento sa'min ni bunso?", tanong ng lalakeng ngayo'y kaharap niya na't sinisipat siya ng mapanuring tingin. Agad naman itong tinabig ng babaeng may edad para ito naman ang humarap sa kanya

"Ikaw ba ang dahilan kung bakit biglang pumunta dito si Mia? Matamlay siya nitong mga nakaraang araw, eh. Sinaktan mo ba ang anak ko?", matalim ang mga matang sipat nito habang tinatanong siya. He swallowed hard and he can feel himself sweating as crazy.

"Ahm, I'm sorry, ma'am. May misunderstanding lang po kami ni Catherine na kailangan lang pag-usapan. Anyway po, I'm Max", pakilala niya ulit sabay mano dito pati sa lalaking kausap kanina na ngayo'y alam na niyang tatay pala ni Catherine. Nakipagkamay naman siya sa kapatid nito.

"Hi, I'm Moi, Mia's cousin", kusang pakilala ng batang babae.

"Hello, nice meeting you all. Ahm, nandyan po ba si Catherine?"

"Oo -"

"Wala." Magkapanabay na sagot nina Moi at ng kapatid ni Catherine.

"Tama na yan. Papasukin mo na yan ,Kian."

"Pero pa -"

"Hala sige, pasok na, hijo", singit ng mama ni Catherine sa dalawa. "Nandon siya sa likod, akin na yang dala mo."

Inabot niya dito ang mga dala saka muling yumukod bago tumuloy sa loob at dumeretso sa likod ng bahay. Para itong mini terrace na may mga halaman sa palibot. In the middle of it is the sweet angel he loves the most. Nakatalikod ito sa kanya habang nagtatanggal ng mga nakasabit sa Christmas tree. May mga karton at iba pang kalat sa sahig na nakapalibot dito.

"Moi, dalhin mo nga dito ang karton na lalagyan ng Christmas tree", utos nito nang inakala nitong siya ang pinsan nito. "Kasi naman magba-valentine's na di pa rin-"

Bigla itong tumigil nang malapit na siya sa likod nito. Nabitawan nito ang hawak na Christmas balls at saka kinapa ang dibdib nito bago humarap sa kanya.

"Baby", he softly whispered and went to caress her cheek but she brushed his hand and walked passed him.

"What are you doing here?"

"I'm here so we can talk."

"Wow", she sarcastically laughed." So ganun nalang? Aalis ka, magtatago tapos bigla nalang susulpot kung kelan mo gusto."

Max wiped his sweaty hands on his jeans and looked at her eyes, begging.

"Babe, please. I'm sorry, I was wrong -"

"Oo, mali talaga. What you did was so unfair", sumbat nito sa nanginginig na boses. He felt his chest aching as he watched her cry again.

"It's not for you to decide whether you're good or bad for me. Pag-aari ko ang sarili ko, ako dapat ang magdedesisyon kung ano ang masama at makakabuti sa'kin, hindi ikaw."

He tried to approach her but she took a step back.

"I know that now and I'm so sorry. I was scared", he admitted, barely able to stop his tears. "I was scared you'd leave me sooner or later. Natakot ako na masaktan kita at masira ang buhay mo to the point na kamuhian mo 'ko. Pero kalaunan mas natakot akong sa sobrang pagmamahal mo sa'kin hahayaan mo lang akong sirain ka hanggang sa wala ng matira sa'yo. I don't want to ruin your life, you deserve better."

"Kaya nagdesisyon kang tapusin nalang ang lahat sa'tin na para bang wala akong say sa relasyong 'to? Sana kinausap mo muna ako kasi sa ginawa mo pakiramdam ko ganun lang ako kadaling bitawan. Ganun ba 'ko kadaling isuko?"

"No! Of course not. If you only knew how hard it was for me to leave you like that. It was so stupid of me. I knew I was an idiot for doing that. I was going crazy without you. Pero mas mababaliw ako pag nakita kita ulit na nahihirapan nang dahil sa'kin. I should have listened to Minerva. We're not supposed to sleep together. If only I listened, hindi sana nangyari yun. Hindi sana kita nasaktan. God knows I won't be able to forgive myself if something happened to you. Kung hindi ako natauhan no'ng sinipa mo'ko, who knows what could have happened?"

He saw her shoulders sagged in defeat.

"But I know better now. I shouldn't have ran away. I should have talked to you, consulted you because we're partners. That's why I'm here."

Lumapit siya dito at masuyong sinapo ng kanyang mga palad ang mukha nito. He wiped her tears away and gently put his forehead against hers.

"Please, baby. Let's talk it through so we can get past this. I'm sorry, I was wrong and now all I can think is kiss you."

Catherine half cried and half laughed as she wrapped her arms around him.

"We can kiss now then talk later."

Max chuckled and brushed his lips against hers. He pulled her closer to deepen the kiss.  He can't help but smile as she wrapped her arms around his nape to respond to his kisses.

"I love you."

"Mahal din kita."

Working Girls Series# 1: Beautiful Nightmareحيث تعيش القصص. اكتشف الآن