Chapter 53

810 30 2
                                    

"Sigurado ka na ba?", tanong ng ate niya matapos niyang sabihin ditong gusto na niyang makipagkita at makipag-usap kay Max.

"Oo, ate. Handa na'kong kausapin siya."

Matapos ng ilang buwang pag-iisip, sa wakas pakiramdam niya'y handa na siyang harapin ito. Sigurado siyang nakapag-ipon na siya ng sapat na lakas ng loob para kumprontahin ito. Isa lang ang hindi niya sigurado, 'yon ay kung handa na ba siyang masaktan muli kapag nakita niya ulit si Max. Pero kailangan niya itong gawin para tuluyan na siyang makapag-move on.

Bumuntong-hininga ang ate niya matapos ng ilang sandaling pagtitig nito sa kanya.

"Okay, fine. Basta ipaalam mo sa'kin kung saan kayo magkikita ng lalaking 'yon. Baka mamaya ano pang gawin sa'yo."

"Hindi naman gano'n si Max. Pero ipapaalam ko naman talaga sa'yo. I told you, I respect you."

"Kaya pala lately english ka nang english. Nagpapraktis ka na pala sa isang madugong labanan. Wala man lang pasabi, gusto agad-agad."

Umirap ito sa kanya na ikinatawa niya. Ganito lang talaga ang pakikitungo nito sa kanya pero alam niyang sa loob-loob ay nag-aalala lang ito sa kanya. Umusog siya ng upo sa sofa at yumakap sa bewang nito.

"Sige na, ate. Payagan mo na'ko."

"Oo na, oo na", asik nito sabay tabig sa mga braso niya saka kinuha ang cellphone nito sa  center table. May tinawagan lang ito sandali tapos ay bumalik na ang atensyon sa kanya.

"Oh, okay na. Di na naka-block diyan si Max mo. Pwede mo nang tawagan."

Malapad siyang ngumiti sabay yakap ulit dito bago pumasok sa kwarto nila ni Oksana. Dito na talaga siya nakitira sa condo nito habang nag-aapply pa ng trabaho. Share nalang sila sa lahat ng gastusin. Humiga siya sa kama habang ino-open ang contacts niya. Nakablock ang number ni Max dito sa phone niya, hindi niya alam kung anong ginawa no'ng kaibigan ng ate niya't hindi niya   ito ma-unblock.

Pinakatitigan niya muna ang pangalan nito sa contacts niya. Huminga siya nang malalim bago pindutin ang call menu at sa nanginginig na kamay ay dinala niya ito sa kanyang tenga. This is it! Ilang minutong ring lang ng ring ang phone nito pero wala namang sumasagot. Busy kaya ito? O baka wala lang talaga itong pakialam sa kanya. Baka magkasama sila ni Cleadeth.

Muli siyang humugot ng malalim na hininga bago tumawag ulit. Again, his phone is unattended. Bakit hindi nito sinasagot ang tawag niya? Hanggang sa makailang tawag na siya'y wala paring sumasagot kaya napaupo siya at pansamantalang tumigil muna. Tama ba 'tong ginagawa niya? Wasn't what she heard that night closure enough for them?

Isang tawag nalang at pagkatapos nito ay hindi na siya tatawag pa ulit. So she dialled his number one last time and waited anxiously as his phone began ringing. Sasagot ba ito--

"Hello?"

Biglang tumigil ang kanyang paghinga nang marinig ang boses nito matapos ng ilang buwang pagtitimpi niyang hindi ito tawagan.

"M-max", she said hoarsely with quivering voice. She bit her lip when she heard no answer from him. She almost thought he'd hung up on her if not for his breathing.

"Catherine?", he whispered after some time.

She cleared her throat to steady her breathing.

"It's about my luggage --"

"God! Catherine, baby, is this really you?", he exclaimed then she heard commotions on the other side of the line. She closed her eyes after she heard him call her baby again.

"Baby, listen. Please, we need to talk. I-i'll explain everything, okay? Please, just listen to me, don't hung up."

Ayaw na nga niyang may tumatawag sa kanya ng baby!

Working Girls Series# 1: Beautiful NightmareWhere stories live. Discover now